BONGGA ang mga anak ni Kris Aquino na sina Joshua at Bimby dahil magiging dalawa na ang branch nila ng Potato Corner French Fries and Nachos, knows mo ba ito Ateng Maricris?
Ang unang branch ay sa Tarlac yata at kung hindi kami nagkakamali ay operational na ito at ang ikalawa ay magbubukas palang sa Promenade Greenhils.
Nalaman namin ito nang tsikahin namin ang mga saleslady ng nasabing French fries corner at nabanggit nga ito sa amin, bongga si ate updated.
Timing naman na nakatsika namin ang taong malapit kay Kris at nabanggit nga na magbubukas ang Potato Corner branch ni Bimby (minus Josh) sa Promenade, ‘yun lang wala pang petsa kung kailan.
Tanda namin noon at a young age ay in-invest na ni Kris ang pera ng dalawa niyang anak sa negosyo para alam daw ng dalawang bagets kung saan napunta ang kinita nila.
FACT SHEET – Reggee Bonoan