MAKARAAN ang ilang minuto habang nanonood si Marlo Sarmiento ng animated TV show hinggil sa mga kuwago kasama ang kanyang 5-anyos anak na si Ollie nang may mapansin siyang anino na bumangga sa salamin ng bintana.
“I took a look and was surprised to see a tiny owl, stunned and just sitting there on the windowsill,” pahayag ni Sarmiento sa The Huffington Post. Agad niyang pinangalanan ang ibon bilang si Elfis, mula sa pangalan ng cartoon owl sa TV.
Ayon kay Sarmiento, nakatira sa makahoy na bahagi ng Northern California malapit sa nature preserve, maaaring ang kuwago ay lumipad papasok sa nakabukas na pinto at bumangga sa saradong bintana nang nais nang lumabas.
Noon pa binibisita ang kanilang bahay ng mga ibon, ayon kay Sarmiento, ngunit ang kadalasang nagtutungo ay blue jays at robins, na agad lumilipad palabas ng bahay.
Sinabi ni Sarmiento, maaaring nanatili sandali sa loob ng bahay si Elfis posibleng “attracted by the owl screeches coming from the TV.”
“My sister quipped that it was a good thing we weren’t watching an episode about elephants,” aniya.
Kinuha ni Sarmiento ang ibon na ibinalot niya sa tuwalya at tinulungang makalabas, nag-alalang baka natakot ang kuwago nang hindi makita ang daan palabas.
Ngunit sandaling kinuhaan muna niya ng ilang larawan bilang patunay na minsan ay dinalaw sila ng isang nocturnal visitor.
“Probably 4-5 minutes total visiting time,” ayon Sarmiento says. “Didn’t even finish the show or stay for a drink/snacks!”
(THE HUFFINGTON POST)