Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

James at Nadine, mala-tambalang Boyet at Vilma

080515  james nadine jadine

00 fact sheet reggee“ANG guwapo-guwapo talaga ni James (Reid) at bagay sila ni Nadine (Lustre),” ito ang iisang reaksiyong narinig namin mula sa fans ng JaDine habang pinanonood namin ang pilot week ngOn The Wings of Love na kinunan sa San Francisco, USA.

Agree naman kami dahil ang ganda ng rehistro ng aktor sa screen, maaliwalas at nakadaragdag pa ang pagiging suplado effect at higit sa lahat, maganda ang katawan at tindig.

Sa totoo lang, nakabibingi ang sigawan ng JaDine supporters at natatawa rin kami dahil sa bawat bitaw ng salita ng dalawa ay may reaksiyon ang fans.

Nakakikilig ang mga eksena nina James Reid at Nadine Lustre dahil effortless nilang inaarte ito at may chemistry talaga sila maski na hindi sila tunay na magkarelasyon.

Mala-tambalang Christopher de Leon at Vilma Santos noong araw na wala namang relasyon pero apektibo ang love team at ito ang nakikita namin kina James at Nadine.

Mapapanood sa pilot week kung paano nagpunta ng San Francisco, USA sina JaDine at kung paano rin sila nagkita’t nagkakilala mula sa direksiyon ni Antoinette Jadaone.

Realidad ang kuwento ng On The Wings of Love na swak sa mga kuwento ng mga kababayan nating TFC subscribers dahil istorya nila ito bilang mga OFW.

Abangan ang On The Wings of Love sa Agosto 10, Lunes pagkatapos ng Pangako Sa ‘Yo o kapalit ng Bridges of Love.

Kasama rin sa On The Wings of Love sina Joel Torre, Albie Casino,Nanette Inventor, Bianca Manalo, Nico Antonio, Nhikzy Calma, Andrei Garcia, Laiza Comia, Cherry Pie Picanche at special participation sina Isay Alvarez at Katya Santos mula sa direksiyon din ni Jojo Saguin handog ngDreamscape Entertainment.

FACT SHEET – Regggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …