Napaaga ang dating si Robin mula Spain (na tine-trace ang pinagmulan ng pamilya Padilla) dahil nalaman niyang nasa ospital ang asawang si Mariel Rodriguez-Padilla.
Ayon sa manager ng aktor na si Betchay Vidanes, “naunang umuwi si Mariel nang isang linggo tapos napa-aga ang dating kasi nga nasa ospital si Mariel.”
Hindi naman nagbigay ng saktong petsa si Betchay kung kailan dumating ang aktor dahil nabalitaan na lang niyang narito ito nang magpo-post ng litrato ng result ng ultrasound ng asawa.
Samantala, may update na naman sa ipinagbubuntis ni Mariel na posible raw maging triplet base na rin sa pahayag ng attending physician ng Happy Wife Happy Life host.
Tinext namin si Mariel kahapon na posibleng triplet ang dinadala niya pero sinagot lang kami ng, ”yes, I’m good thanks.”
Ibig sabihin ayaw niyang magkuwento at magpa-istorbo pa, Ateng Maricris.
FACT SHEET – Regggee Bonoan