SA presscon ng The Love Affair, na isa sa bida si Bea Alonzo ay tinanong siya kung kamusta na ang estado ng relasyon nila ni Zanjoe Marudo. Kamakailan kasi ay inamin niya na may pinagdaraanan sila ng binata.
“Okay naman ako, okay naman kami. And, oo, may mga pinagdaraanan Lahat naman tayo, hindi naman mawawala ‘yon, ‘di ba? ‘Yung pinakaimportante naman, ‘di ba, kung paano mo iha-handle ang sarili mo pagkatapos ng lahat ng ito. So there, we’re working it out, and masaya naman kami, okay naman kami,” sabi ni Bea.
Ang The Love Affair ay showing na sa August 12 na bukod kay Bea ay bida rin dito ang dating magkasintahang Dawn Zulueta at Richard Gomez.
MA at PA – Rommel Placente