Imbestigahan raket nina Belinda dela Kruz, Kimberly at Egay sa BoC
Jimmy Salgado
August 4, 2015
Opinion
ANG tindi pala ng smuggling ng kotse nitong si alias Belinda sa Bureau of Customs!
Mabuti na lang at nasakote agad ni BOC Enforcement DepComm. Ariel Nepomuceno ang mga ipinupuslit ni Belinda na mga Ferrari, Lexus at Toyota Landcruiser sa Port of Batangas.
Natuklasan ni DepComm. Nepo na napakalaki ng mga diperensya sa buwis na binabayaran ni Belinda kaya agad niyang ipina-alert lahat ng kargamento nito.
Sapol!!!
Buti nga sa iyo Belinda a.k.a. amyenda queen! Masyado ka kasing mandaraya at halos hindi na ninyo gustong magbayad ng tamang taxes sa mga imported at luxury vehicles.
Sa susunod na issue, abangan pa ang iba niyang modus operandi.
***
Grabe na rin itong report sa atin na smuggling ni alias Kimberly, lahat ng pinapalusot sa customs ay may ‘tama’ o technical smuggling.
Kapag ini-audit lahat ng parating nito tiyak malaki ang diperensya at malaking buwis ang malilikom ng gobyerno.
Comm. Bert Lina, paki-monitor lang ho ang MIRANDA BROKERAGE at consignee na PARAGON!
Ilalantad pa natin ang ibang consignee na baluktot sa susunod na isyu.
***
Isa pang dapat matutukan ng Customs ay ang tandem na sina DOLLY at LYN na tauhan ni S.U.L.
Sila na raw ang nakasulot sa trabaho ni Sammy boy.
Umaga pa lang daw ay nakikita na si Dolly na nagbibilang ng pera sa kanyang mesa habang kumakakanta ng bayang magiliw.
***
Congrats kay NBI Deputy Director for Investigation Atty. Jun de Guzman sa pagtimbog sa sindikato ng sim-swap scam.
Magaling talaga ang grupo ng Investigation. Pag nag-imbestiga ay solido at walang bara-bara na halong imbento.
Kasama sa matagumpay na paghuli sa sim-swap scam ang ODD Investigative Operatives Atty. Ervin Garcia, SI3 Anna Lira Labao, SI4 Joey Guillen, SI Edwin Cobra Lagrosa, Arvin Herrera, Ariel Agustin at Ricobell Pagulayan.
Mabuhay kayo!
***
Sino ba itong na-lifestyle check na taga-Section 4 na putak ng putak na malaki raw ang inilagay sa RIPS para makalusot sa lifestyle check? Siya ba si pyar pyar crying baby?
***
Sino naman ang isang alias EGAY na sumisikat sa Aduana dahil naagaw na raw lahat ang ‘trabaho’ ni Manny Santos?
Kakalkalin natin ang mga consignee nito sa dami ngayon ng ‘trabahong technical smuugling’ at puro special pa.
***
Every week ay may kapihan ng media kasama ang mga stakeholder’s sa NAIA Customs si Collector BINGO MATUGAS para matugunan ang lahat ng problema sa paliparan. Maganda ang ginawa na ito ni Sir Matugas para malaman at maresolba agad ang problema sa kanyang warehouse sa Pair Cargo NAIA.
Kaya naman consistent ang kanyang revenue collection sa kanyang bodega.
Very good ka Coll. Matugas!