Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mariel, kambal ang ipinagbubuntis

060115 Mariel Rodriguez Robin Padilla

00 fact sheet reggeeHINDI nakasipot si Mariel Rodriguez sa Pampanga episode ng Happy Truck Ng Bayan kahapon dahil Huwebes pa lang ay itinakbo na siya ni Robin Padilla sa Asian Hospital and Medical Center sa Alabang, Muntinlupa City dahil masama ang pakiramdam.

Nalamang buntis pala ang TV host base na rin sa dalawang ultrasound result ni Maria (Erlinda Lucille) Sazon Termulo, tunay na pangalan ni Mariel na ipinost ni Robin noong Sabado, Agosto 1 sa kanyangInstagram account na @robinhoodpadilla, “Maria and Juan de Padilla IN SHA ALLAH GOD WILLING.”

Dalawang pangalan ang binanggit ni Robin na sina Maria at Juan na ibig sabihin ay kambal ang ipinagbubuntis ng asawa.

Kinunan pa ni Robin habang natutulog si Mariel sa kanyang hospital bed noong Biyernes na may caption na, “when the Angel sleeps.”

Matatandaang nakunan si Mariel ng Marso nitong taon at hindi pa nito kaagad pinatanggal dahil hoping na mabubuhay ang bata, pero dahil nanganganib ang buhay ng TV host ay kinailangan na niyang magpa-raspa ng Abril.

Tanda namin sa nakaraang presscon ng ikalawang Season ng Happy Wife, Happy Life ay isang buwan siyang magpapahinga bago ulit sila puwedeng bumuo ng baby.

Sa madaling salita ay buntis na si Mariel bago sila umalis patungong Spain ng Hunyo 17?

Pero noong huling makausap namin ang misis ni Robin bago sila umalis ay wala siyang alam kung makakabuo sila sa Spain dahil nga ayaw niyang mag-expect, pero kung ibibigay ng Diyos ay sobrang saya niya.

Nabanggit pa sa amin ng Happy Life, Happy Wife TV host na isa sa dahilan ng pagpunta nila sa Spain ay para raw malimutan na ni Mariel ang nangyari at regalo raw ito sa kanya ni Robin kasabay na rin ng paghahanap nila ng pinagmulan ng angkan ng aktor sa father side.

At pagdating ng mag-asawang Robin at Mariel ng Pilipinas dalawang linggo na ang nakaraan ay wala pa rin siyang ibinahagi kung nakabuo na silang mag-asawa dahil sumipot pa siya sa Caloocan episode ng Happy Truck Ng Bayan noong Hulyo 25 at talagang ang taas ng energy niya.

Kaya laking pagtataka ng mga taga-HTNB nang hindi na siya nakasipot kahapon sa Pampanga episode at sinabing maysakit.

Tinext namin si Mariel noong Biyernes ng gabi para batiin at kumustahin at ang sinagot lang sa amin, “thanks Regg.”

Naintindihan naming hindi pa siya puwedeng gumamit ng cellphone at kasalukuyang nagpapahinga pa base na rin sa post ng asawang si Robin noong Sabado ng gabi.

Muli naming tsinek ang Instagram account nina Robin at Mariel kahapon habang tinitipa namin ang balitang ito pero wala silang bagong update.

Sakto naman ang pagdadalantao ni Mariel dahil magandang regalo ito para sa nalalapit niyang kaarawan sa Lunes, Agosto 10.

Maligayang bati sa inyong mag-asawa Robin at Mariel at advance happy birthday na rin.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …