Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, ‘di raw babayad para tanghaling Most Beautiful

021615 AIAI delas alas

MUKHANG hindi mapipigilan ng Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas sa patutsada niya sa ex-BFF na si Kris Aquino.

Sa presscon ng APT (Antonio p. Tuvierra) program na Sunday Pinasaya na magsisimulang umere sa Augut 9, hiniritan ni Aileen (tawag kay AiAi) si Kristina Bernadette, the youngest of the famous Aquino Sisters.

Ano ang masasabi niya sa pagkakahirang  kay Tetay  na isa sa Most Beautiful sa showbiz?

“Lahat naman tayo’y beautiful in our own right. Pero ako, ‘di babayad para makuha ang award na ‘yon…magtatayo ako ng sarili kong magazine, dyaryo  o award-giving body para tiyak na ako ang mananalo!” sey ng bru na binuntutan ng malakas na tawa. Laban kayo? Laban ka, Kris?

 Mamu, challenge  ang pagiging head ng creative ng SPS

NANG makausap namin si Mamu (Andrew de Real, star-builder at may-ari ng sing-along bar na The Library atbp.) sinabi niyang siya ang head ng creative department ng Sunday PinaSaya at ang grupo niya’y eight young and brilliant writers.

“Medyo madugo ito lalo’t live pero alam mo naman ako, mahilig sa challenges,” sabi ni Mamu  (By the way, MVN … welcome raw tayo sa The Library kung type ninyong mag-unwind. Courtesy of Andrew.  Go! Go! Go!)

Comedy-based na may halong musical, fun games at pakuwela ang show na kasama rin sina Marian Rivera, Alden Richards, Jose Manalo, Wally Bayola, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, Valeen Montenegro, Joey Paras, at Jerald Napoles.

Araguy!  Monday to Sunday ay bumabandera ang mga fez nina Wally at Jose sa boob tube screen. May oras pa ba silang matulog?

KUROT LANG – Nene Riego

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nene Riego

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …