Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Echong, na-miss ang GF na si Sam sa pagpasok sa PBB 737

080115 Enchong Dee Samantha Lewis

00 fact sheet reggeeSA sobrang miss ni Enchong Dee sa kanyang kasintahan na fashion model na si Samantha Lewis ay naibahagi niya kay PBB 737 housemate Kenzo Gutierrez kung paano sila nagkakilala.

Una munang nagkuwento si Kenzo na mabuti na lang daw at tumawag ang boyfriend ni Kamille para maalala pa rin nito na mahal niya ang tatay ng kanyang anak.

Pero unang nagtanong si Enchong kung ano ang real score nina Kenzo at Kamille.

“Alam ko namang hindi puwede, sila (boyfriend ni Kamille) pa rin. At saka compared to before kami ni Kamille, ngayon sobrang ibang-iba na kami. Tapos nakatulong pa ‘yung phone call. Naalala niya ulit kung gaano niya kamahal si Justin.”

Naging malapit kasi sa isa’t isa sina Kenzo at Kamille sa loob ng Bahay ni Kuya at alam nilang napapanood sila ng boyfriend at tatay ng anak ni Kamille kaya siguro alanganin din naman ang una sa sitwasyon nila.

At inamin din ni Kenzo kay Enchong na hindi pa siya nakamo-move on sa ex-girlfriend niya na sinabi naman ng aktor na baka magkabalikan sila paglabas nila ng PBB house.

At sa sobrang pagka-miss ng aktor sa girlfriend ay naikuwento niya kung paano sila nagkakilala ni Sam kay Kenzo.

Sabi ni Enchong, “may fashion show, nakita ko siya sabi ko okay ito ah. Mahilig kasi ako sa ganoon, ‘yung mapisngi. Nakita ko siya malapitan tapos iyun na. Nagpakilala ako na hindi ko usually ginagawa.

“Tapos makikita mo naman sa mata, sa reaksiyon nila kung hindi ka nila gusto kaya sabi ko, ay kaya, aprub, eh. Tapos magse-17th months na kami.”

Tinanong ni Kenzo kung masaya naman si Enchong kay Sam, “Oo kasi it’s rare that you meet someone who understand what you do.”

Samantala, 24/7 talagang napapanood si Enchong dahil bukod sa PBB 737 ay napapanood din siya sa Wansapanataym Presents:  My Kung Fu Chinito kasama si Richard Yap.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng My Kung Fu Chinito ay mabubunyag kung sino ang taong nasa likod ng mga krimen sa kanilang lugar at unti-unting magbabago ang takbo ng buhay nina Chairman Tan (Richard) at Diego (Enchong) sa paglabas ng katotohanan tungkol sa nakaraan at tunay na pagkatao ng bagong Kung Fu Chinito.

Ano nga ba ang nangyari sa nakaraan ni Diego na nag-uugnay sa kanila ni Chairman Tan? Paano nito mababago ang kanilang misyon bilang tagapagligtas ng kanilang bayan?

Bukod sa dalawang Kung Fu Chinito ay kasama rin sina Rio Locsin, Marina Benipayo, Sofia Andres, Atoy Co, David Chua, Mutya Orquia, at Clarence Delgado mula sa panulat ni Mariami Tanangco Domingo at direksiyon ni Erick Salud.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …