Ayon kay Lance, hindi naman daw lantaran ang pagiging bading niya sa pelikula dahil ang target audience nila ay mga estudyante mula elementarya hanggang kolehiyo.
“Walang mga tulad ng iniisip ng iba, basta gay teacher siya na in love sa isang estudyante na babae naman ang gusto, siyempre magpapakita ng selos kasi mas kompleto ‘yun girl.
“Nakaka-challenge kasi first time ko at saka lahat kasi ng nagawa ko ng movies, lalaking-lalaki ako, kontrabida, so ibang-iba talaga itong ‘Makata’,” kuwento ni Lance nang makatsikahan namin sa presscon ng Makata.
Natanong namin si Lance kung bakit parang mas napapanood siya sa indi films kaysa commercial films.
“Nag-start naman ako sa mainstream sa Viva rati, tapos sa TV naman huli ko ‘yung ‘Pieta’ (2008) tapos nominated ako for best supporting actor for foreign language film, ‘Gemini’ sa Madrid International Film Festival last July 2 – 11 eh, hindi ako pumunta kasi at that time may shoot naman ako,” kuwento ng aktor.
Maraming pelikulang nagawa na si Lance at lahat ay indi movies kaya hindi siya napapanood ng lahat.
Samantala, hindi pala nagkaroon ng trauma si Lance sa paggi-gym kahit na muntik mabura ang mukha niya nang mabagsakan ito ng bakal habang nagba-barbel siya.
“Life goes on, kasi kung iisipin mo ‘yung trauma, hindi ka makaka-move on. Dapat ‘yan ang matutuhan ng iba na nagkaroon ng aksidente, don’t give up!” ito ang payo ng aktor sa mga nakaranas ng hindi maganda sa buhay.
Masarap kakuwentuhan si Lance dahil napaka-open niya maski nga lovelife niya ay naikuwento niya at loveless daw siya ngayon dahil gusto muna niyang i-enjoy ang pagiging single.
“Simula noong 15 years old ako, may girlfriend na ako at hindi ako nawalan, last year lang kami naghiwalay ng girlfriend ko for eight years kaya pahinga muna ako.
“Masarap palang maging single,” tumawang sabi ni Lance.
Biniro nga namin na baka tumanda siyang binata, ”bata pa naman ako, ah?” mabilis na sagot ng aktor.
FACT SHEET – Reggee Bonoan