Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

AJ sa Norway na maninirahan; Enchong, tatayong pinaka-kuya

073115 AJ Enchong Dee

00 fact sheet reggeeMUKHANG may Chinito problem si Enchong Dee dahil hindi niya personal na nakausap o nakita ang kuya niyang si AJ Dee na nagdiwang ng kaarawan noong Lunes, Hulyo 27.

Pumasok kasi sa Bahay ni Kuya si Enchong bilang robot na isa sa task niya bukod sa pagiging Homeboy ni Kuya.

At dahil robot nga si Enchong ay hindi siya puwedeng magsalita hangga’t walang go signal kaya’t habang nagsasalita ang kuya AJ niya sa confession room ay nakikinig lang siya at tumutulo lang ang luha.

Halatang masama rin ang loob ng kuya AJ ng aktor dahil first time raw niyang magdiriwang ng kaarawan na hindi kasama si Enchong. Nakagawian na kasi nilang pamilya na sama-sama silang nagsisimba bilang pasalamat at saka kakain sa labas.

Sabi pa ni AJ na pinalaki raw sila ng magulang nila na maging close sa isa’t isa kaya pala mabigat sa loob ni Enchong na pumasok sa PBB noong Linggo dahil nga birthday ng kuya niya ng Lunes.

Marami pang ikinuwento ang kuya AJ ni Enchong na ngayon lang namin nalaman kung bakit prim and proper ang bida ng Wansapanataym’s My Kung Fu Chinitodahil malapit siya sa pamilya niya at kapag may problema ay sila-sila rin ang nagtutulungan.

Kaya sobrang bait ni Enchong ay kung ano-anong negatibong isyu ang ibinabato sa kanya na sabi nga ng kuya AJ niya ay huwag pansinin at ipagpatuloy lang ang pagtatrabaho dahil ipinagmamalaki niya ang kapatid.

Si Enchong ang tatayong pinaka-kuya sa kanilang magkapatid dahil nagbilin ang kuya AJ niya na alagaan ang bunso nilang si Isaias.

Sa Norway na pala maninirahan si AJ kaya gusto rin sana ng aktor na bago umalis ang kuya niya ay makapag-bonding sila.

Anyway, bukod sa PBB 737 ay mapapanood si Enchong kasama si Richard Yap sa Wansapanataym Presents: My Kung Fu Chinito tuwing Linggo ng gabi.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …