FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa Hataw kahapon tungkol sa follow-up movie nina Enrique Gil at Liza Soberano dahil nagkaroon na ng storycon kahapon kasama si Gerald Anderson na may titulong Everyday I Love You na ididirehe ni Mae Cruz mula sa Star Cinema.
Yes Ateng Maricris, ganito kabilis ang pangyayari na nag-brainstorming palang kamakailan at kahapon ay storycon na.
At ngayong taon din ipalalabas dahil next year ay may pelikula ulit ang dalawa, hala sunod-sunod talaga?
Dinaig na ng LizQuen tandem ang KathNiel?
Baka ito ang naisip na ibigay na project kina Liza at Enrique kasi nga wala pa silang serye kaya para hindi sila malimutan ng tao ay bigyan kaagad ng pelikula tutal naman blockbuster ang Just The Way You Are, di ba Ateng Maricris?
Ano naman kaya ang pagiging papel ni Gerald sa pelikula, alangan naman siya ang ka-love triangle? Parang kuya na lang ni Liza si ‘Ge?
Hmm, sabagay, uso na ngayon ang mas bata ang babae.
FACT SHEET – Reggee Bonoan
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
