Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Di kasama si Chiz sa pagpipiliang Bise ng LP

00 pulis joeyKUNG desidido si Senador Chiz “Heart” Escudero na tumakbo sa higher position, huwag na niyang asahan na kukunin siyang running mate ng pambato sa pagka-presidente ng Liberal Party ng administrasyon.Oo, sa listahan ng vice presidentiables ng LP, hindi kasama ang pangalang Chiz Escudero.

Ang pinagpipiliang maka-tandem ng presidentiable ni PNoy ay sina Senadora Grace Poe, Sen. Antonio Trillanes, Sen. Alan Peter Cayetano, Naga Congw. Leni Robredo, Batangas Gov. Vilma Santos-Recto, Davao City Mayor Rodrigo Duterte at dating Sen. Ping Lacson.

Out si Escudero!

Ang tsansa na lang ni Escudero ay sa tiket ni Vice President Jojo Binay ng United Nationalist Alliance (UNA). Ito ay kung masisikmura niya ang mga kinakaharap na kaso ng katiwalian ni VP Binay at pamilya nito.

Magugunita na binatikos din nang todo ni Escudero si VP Binay sa mga kinakaharap na kaso ng korupsiyon.

Pero noong 2010 ay hayagang inendorso ni Escudero si Binay para Bise Presidente ni Joseph “Erap” Estrada.

Ang isa pang tsansa ni Escudero ay kapag tumakbong presidente si Poe. Dahil very vocal ang Senadora na gusto niyang maging running mate ang sweetheart ni Heart Evangelista kapag natuloy siya sa pagka-pangulo.

Mukhang minamalas na si Chiz. “Ambisyoso!” sabi ni Erap. Hehehe…

Bakit di binanggit ni PNoy ang tungkol sa SSS pensioners?

– Sir Joey, kung maari sana mailabas mo sa kolum ito: Bakit  di nabanggit ng Pangulo sa SONA niya ang tungkol sa mga pensionado ng SSS tungkol sa dagdag na pension sa amin na sinabi noon ni PNoy. Totoo ba ito o propaganda lang. Salamat, Joey. – SSS pensioner, 09153433…

Sa pagkakaalam ko ay aprub na ni PNoy ang dagdag sa SSS pension. Kaya nga tinaasan na ang SSS contribution ng bawat member e. Check ninyo sa SSS office.

Grabeng trapik sa Bagong Silang, puro vendors ang kalsada (Caloocan)

– Gud am, Joey. Grabe na po yung trapik dito sa Bagong Silang. Yung kalsada puro vendors. Madami narin bumibiyahe na kolorum kahit araw. Sa gabi mga kolorum na van naman, mga siga pa! Pag kami mga jeep nagbaba ng pasahero, sinisigawan kami ng mga nagtatrapik. Pero pag mga van na kolorum… todo hawi po sa mga jeep, kami pinapatabi. Galing noh? Punta kayo dito sa Bagong Silang, Caloocan City North para maaktuhan po ninyo ang kagaguhan ng mga nagtatrapik dito. – 09107768…

Paging Caloocan City Mayor Oca Malapitan, paki lang po sa mga gagong traffic enforcer mo. Ikaw rin, babalikan ka pa naman ni Recom sa 2016. Hehehe…

Reklamo vs fisheries Sa Cadiz City, Negros

– Report ko po ang Bureau of Fisheries dito sa opis nila sa Commercial Complex Cadiz City, Negros Occidental. Kung magkuha kami ng permit, ayaw ibigay kung hindi magbigay ng isda. Ang pangalan niya “Rica” na may-ari ng beauty parlor. Siya ay bayot. At minsan lang po mag-report ang taga-fisheries office. But actually he is not connected sa fisheries. Kung walang isda at pera hindi ibigay ang permit sa namin. – 09206963…

Sino ba ang hepe ng Bureau of Fisheries d’yan sa Cadiz City? Paki-imbestiga lang po, sir or mam!!!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joey Venancio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …