Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea, pumalakpak ang tenga sa mga papuri nina Dawn at Goma

072915 BEA ALONZO dawn richard

00 fact sheet reggeeSIGURADO kami, pumapalakpak ang tenga ni Bea Alonzo sa sobrang papuri sa kanya nina Dawn Zulueta at Richard Gomez sa ginanap na presscon ng The Love Affair na palabas na sa Agosto 12 mula sa Star Cinema.

Tinanong ang dalawang senior stars kung ano ang masasabi nila kay Bea bilang katrabaho dahil unang beses nilang makatrabaho ang aktres

“Well, I only had one scene with Bea unfortunately. The one whole night naming shinoot na ‘yung one scene na ‘yun together and natuwa naman ako sa kanya kasi, she’s such a dedicated actress, I can understand what it feels like to be in her shoes kasi once upon a time ako rin ‘yung younger who was working with the senior stars.

“Ako kasi, well I’m very generous really as an actress and I like to help the younger ones to get involve and get comfortable kasi I’m working and getting the scene real and napaka-tense ng eksena na isinu-shoot namin at bina-block palang namin, I just wanted her to feel na we’re gonna do this together, kaya sabi ko, ‘bey (tawag kay Bea), let’s do this’ tapos siya naman, sabi niya, ‘game’ so, you know, I like that.”

“I like that about her and I hope this is not the last time that I work with her because she’s really a very competent actress and I think she’s really went to reach much further where she is now, so I hope I would still be there along the way and work more projects with her,” maganadang sabi ni Dawn.

At si Goma naman, “nag-enjoy ako kay Bea, she’s a very fine actress, ang ganda ng maturity niya, ang sarap niyang katrabaho sa mga eksenang ginagawa niya and hindi nakaka-conscious katrabaho si Bea at the same time, bilang artista dapat hindi isipin na, ah naging best actor na ako rati’ dapat iniiwan mo lahat ‘yung mga trophy sa bahay ‘yung mga ipinanalo mo para parang fresh palagi ang isang project o pelikula.”

Hindi naman halos makapagsalita si Bea dahil sa magagandang narinig at nagpapasalamat siya dahil hindi raw ipinaramdam sa kanya na isa siyang baguhan.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …