Sunday , December 21 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Investment scam kaya bang sugpuin?

EDITORIAL logoMARAMING Pinoy ang  patuloy pa ring naeengganyo na kumita sa pamamagitan ng “easy money.” 

Ito ‘yung maglalagak nang malaking halaga ng pera sa paniwala na madaling tutubo kahit walang ginagawang pagbabanat ng buto dahil ang pera na mismo ang kikilos para sa paglago nito.

Kaya nga hanggang ngayon marami pa rin ang mga naloloko ng mga investment scam mula sa multi-bilyong pisong Aman Futures doon sa Mindanao hanggang dito sa multi-bilyon ding One Dream Global Marketing Inc.

Nitong mga nakaraang araw, 18 katao mula sa Batangas ang nagsampa ng reklamong syndicated estafa dahil sa umano’y panggagantso sa kanila ng mga may-ari at opisyal ng One Dream nang mahigit sa P3.3 bilyon.   

Marami sa kanila ang nag-invest ng halagang hindi bababa sa P100,000 hanggang P15 milyon. Madali silang napaniwala na kikita ang kanilang pera sa loob lamang ng ilang araw.  

Matapos magtiwala at umasa na mabilis silang yayaman, nauwi sa wala ang kanilang perang pinagbuwisan ng dugo at pawis.

Marami pa rin tayong mga kababayan na hanggang ngayon ay hindi pa rin nadadala sa mga ganitong uri ng panloloko.  Malinaw na repleksyon lang ito ng paghahangad na kumita ng pera sa madaling paraan.

O, repleksyon din kaya ito ng isang pagiging gahaman? 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …