Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, hangang-hanga sa galing at pagka-bibo ni Jana

 

072215 Jana Agoncillo Sylvia Sanchez

00 fact sheet reggeeKADARATING lang ni Sylvia Sanchez galing Singapore kahapon bago dumalo sa presscon ng Ningning na follow-up serye ni Jana Agoncillo na eere na sa Hunyo 27 kapalit ng Oh My G!

At sobrang excited ang aktres dahil sobrang bilib niya kay Ningning sa galing nitong umarte at matandain sa edad na lima.

Mag-lola ang papel nina Ibyang at Jana sa nasabing serye at sa Palawan ito kinunan na nakadagdag ganda sa mga eksena nila.

Ayon kay Ibyang, ngayon lang siya nakakita ng batang alam nito kung saan dapat nakapuwesto ang kamera at mga terminong ginagamit ng cameraman at director.

“Pag may take kasi, tatanungin ni Ningning, ‘direk from the top po ba? Tapos pati ‘yung termino ng cameraman alam niya, magugulat ka.

“’Yung camera, sabi niya, ‘siguro dapat doon ang puwesto mo po (cameraman),’

“So siyempre hindi papansinin, tapos ‘pag nag-take na, ipauulit at doon nga ipapa-puwesto ‘yung camera sa lugar na sinabi niya, kaya sasabihin ni Ningning, ‘sabi ko na tama ako.’”

Bukod dito ay sobrang sharp daw ng memory ni Jana.

“Isipin mo Reggs, saan ka nakakita ng batang limang taon na bilang niya kung ilan ang mali mo? At hindi siya nahihiyang sabihin.

“Tulad ko, nagkakamali ako, nabubulol ako, sasabihin ko, ‘sorry direk mali ako, ano na nga ba ‘yung sasabihin ko?’

“Sabi ni Ningning sa akin, ‘lagi ka nagkakamali po, dapat may parusa, bawat bali, magbigay tayo ng piso-piso.’

“Sinakyan ko naman, sabi ko, ‘o sige bawat mali ng lahat, magpatak-patak para may pam-party tayo at the end of the show.’

“Heto na, bilang niya ang mali ko, bilang din niya ang mali niya at pati cameraman, bilang niya at pati assistant director na si Panying, bilang din niya.

“Sabi ko nga, basahin at imemorya niya (Ningning) ang script namin para kapag nagkamali ako, sa kanya ko na lang tatanungin, aba’y ginawa nga, kaya ‘pag may mali ako, siya nagsasabi ng dialogue ko,” natatawang kuwento ni Ibyang sa kabilang linya kahapon.

Si Ibyang daw ang lola ni Ningning at sina Ketchup Eusebio at Beauty Gonzales ang magulang ng bata.

Nabanggit din ng aktres na malalim umarte si Ningning kaya alam niya pagdating ng araw na sisikat nang husto ang bata.

Tinanong namin kung sino sa mga batang artista ang nakatrabaho na ni Sylvia na puwede niyang ikompara kay Ningning.

“Sina Sharlene San Pedro at Miles Ocampo palang naman ang naka-trabaho ko sa ‘Anghel Na Walang Langit’ (2005), pareho silang malalim, may mga hugot sila na hindi itinuturo ng direktor.

“Alam mo Reggs, ‘yung galing sa pag-arte, lumalabas ‘yun during the takes kaya roon malalaman kung mahusay kang umarte o hindi. Natural ang dating, hindi aral o de kahon.

“Kaya para sa akin sina Sharlene at Miles ang puwede kong ikompara kay Ningning noong magka-edaran sila,”kuwento pa ni Sylvia.

Ang Ningning ay handog ng Star Creatives mula sa unit ni Ginny M. Ocampo at si Jeffrey Jeturian naman ang direktor.
FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …