Monday , December 23 2024

Saan at paano nga ba nag-umpisa ang karinderya?

 

072015 rene salud carinderia queen

00 fact sheet reggeeNANG dumalo kami sa contract signing ng Carinderia Queen sa Atrium Hotel ay naikuwento ng organizer na si Ms Linda Legaspi kung paano at saan nanggaling ang ang terminong Karinderya o Carinderia.

Pagbabalik-tanaw ni Ms Linda, ”nag-umpisa ang term karinderya sa Antipo ng mga Seboys, Indians, mga guwapo sila. Roon sila dumadaong just to go to pilgrimage, sa Hinulugang Taktak.

“While going to Hinulugang Taktak, ‘yung road (daan) doon at naka-paa lang sila at nakasakay sa duyan while going to the church, somewhere along the line, magugutom sila at mauuhaw.

“So, mayroon doon sa side na mga tindahan na puwede silang uminom, kumain etcetera. Ang mga ipinapakain sa kanila ay curry at bakit curry, kasi ang mga nakatira sa Antipolo at Taytay noon ay mga Bombay na Seboy kaya ang kinakain nila ay lahat curry like chicken curry, (beef curry, pork curry), eh, ang mga Pinoy ang mga salita nila ay ‘kari’ na naging kare-kare. At saan nabibili ang iyong kare-kare, eh, ‘di sa karinderya.

“Yun ang history ng ating karinderya, at marami ng nangyari na ‘yung karinderya, naging panaderya dahil sa bread, nagkaroon na ng mga Chinese kaya naging pansiterya, at nagkaroon na ng fastfood nandoon na ‘yung balot-balot na naging binalot at sunod-sunod na. That’s the history of our Filipino food.

“So, the real definition of karinderya is not street food kundi home cook Filipino food in a Filipino settings.

“That’s why we invited Aristrocrat who started as karinderya legally kasi they served home cook Filipino food in a Filipino settings. So ‘yung mga fusion-fusion na ‘yan, it’s the real meaning of karinderya.

“And I’m hoping that one day, itong project namin ni Mama Rene na Carinderia will recognized worldwide not just nationwide but the other countries will look up to like the New York Cheesecake etcetera.”

In fairness huh, may natutuhan kami Ateng Maricris.

Ang mananalong Carinderia Queen ay magwawagi ng Kitchen showcase bukod pa sa matatangap ng mapipiling best in long gown at best in Kusina wear kapalit ng swimwear.

Napag-usapan din namin nina mama Rene ang tungkol sa mga ginagamit na gown ng ating representative sa mga beauty contest sa ibang bansa.

Imbes daw na gawang Pinoy ang ipinasusuot ngBinibining Pilipinas organizer ay mas pinagagamit pa ang tahi ng ibang foreign designers katulad sa nakaraangMiss Universe contest na ang isinuot ni Ms Pia Wurstbach.

Kilalang designer at nanalo na rin sa iba’t ibang competitions si <ama Rene kaya malaking insulto ito sa kanya.

“Isa ‘yun sa mga lamentation. First of all, parang masyadong nakaiinsulto amongst us.

“We have proven already, not only to ourselves but to everybody, to the organizers, we have done a lot of good things for them.

“We have so many winning gowns, national costumes from the past, why are they trying to ease us out from those contests?

“Of course, we’re talking about Miss Universe. Inaamin ko naman na those are big contests.

“Siyempre kapag nagdamit ka, kikita ang kultura natin doon through our fashion.

“Biglang nawala ‘yun, nakaiinsulto. And how could another designer from other country matatalbugan pa ang paggawa namin ng Filipino costumes?

“Before we became designers, napakarami naming pinagdaanan, we have a lot of researches.

“A lot of knowledge-hunting on how to make the national costumes, pumupunta kami sa mga bundok, especially myself.

“I’ve done a lot of fashion shows all over the world and through Department of Tourism, Department of Foreign Affairs.

“Siyempre, if you do fashion shows na sponsor ng government natin, you’re not promoting yourself as Renee Salud.

“You’re promoting the Philippines through your fashion, so alam na alam ko kung paano magpatakbo,” mahabang paliwanag ng nasabing fashion designer at project director ng Carinderia Queen.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *