Friday , December 27 2024

Mar-Vi pag ‘di klik ang Mar-Grace at Bongbong-Digong

ITO ang bagong developments ngayon.

Posibleng mangyari ang Mar Roxas-Vilma Santos tandem para sa 2016 presidentia election.

Ito’y kapag hindi talaga nag-klik ang niluluto ni PNoy na Roxas-Grace Poe para sa Liberal Party, ang partido ng administrasyon.

Sa ikatlong pag-uusap nang personal nitong Lunes nina PNoy at Senadora Grace sa Malakanyang, sinabi ng anak-anakan ni late actor FPJ at actress Susan Roces na wala pa rin nabubuong plano sa pag-uusap nila ng Pangulo ukol sa 2016 election.

Nauna nang sinabi ng Senadora na hindi mahalaga sa kanya ang endorsement ng Pangulo, ang mahalaga raw sa kanya ay pakinggan ang gusto ng taumbayan.

Ang tila ibig sabihin dito ni Sen. Grace ay itutuloy niya ang pagtakbong presidente dahil ito ang gusto ng nakararami, base sa mga lumalabas na survey na siya ang leading.

Naging vocal din siya sa pagsasabi na ang gusto niyang maging running mate ay si Sen. Chiz Escudero.

Sina Poe at Escudero ay kapwa walang partido. Pero tumakbo sila sa tiket ng Team PNoy noong 2013.

Dahil tila walang katiyakan mag-Vice si Poe sa ikinokonsiderang standard bearer ng LP na si DILG Sec. Roxas, tila gusto na lang maka-tandem ni Mar ang actress/governor na si Vilma Santos-Recto na isang LP member.

Matatapos na ngayon ang termino ni Gov. Vilma. At sinabi niyang nakatanggap na siya ng “feeler” pero wala pa raw siyang desisyon. Gusto raw niya munang tapusin ang kanyang termino sa Batangas.

Pero sa tono ng mga pananalita ni Gov. Vilma, mukhang game siyang maging running mate ni Sec. Roxas. Hmmm…

Sa kabilang banda, kalat ngayon sa social media ang nilulutong “Marcos-Duterte” 2016.

Si Sen. Bongbong Marcos ay determinado nang sumabak sa pagka-presidente. Maging ang kanyang ina na si Congresswoman Imelda at kapatid na si Ilocos Gov. Imee ay nagsabing gusto nilang maging presidente  si Bongbong.

At gusto nga raw maging running mate ng batang Marcos ang tigasing akalde ng Davao City na si Rodrigo “Digong” Duterte.

Si Duterte ay nasa no. 3 at 4 sa mga survey sa pagka-presidente, habang si Marcos ay nasa malayong puwesto.

Bukas uli… ‘wag bibitiw updates sa  presidentiables 2016.

Sa kalye nagpapalaro ang guro ng San Jose Elem. School

– Mr. Venancio, gusto ko lang po ireklamo ang mga guro dito sa San Jose Elementary School annex sa Barangay Pag-Ibig sa Nayon, Quezon City. Sa kalsada po kasi sila nagpapalaro e may covert court naman. Kasi may nabundol na bata. Tapos wala lang sa kanila, dedma lang ang guro. Huwag mo nalang ilagay ang numero ko. – Concerned parent

Sagutin ng titser at eskuwelahan kapag may nangyaring aksidente sa mag-aaral sa oras ng klase at sa loob ng campus. Ang kalye ay para sa mga sasakyan, hindi dapat idinaraos dito ang anumang palaro maliban kung sarado sa mga sasakyan ang kalsada.

Reklamo ng vendors vs ‘Blue Boys’ ni Kap. Anacete sa Quiapo

– Vendor po ako dito sa Quiapo. Reklamo po namin ang “blue boys” ni Kap. Anacete. Garapal po manghuli ang team leader nila na si Martinez. May mga dala pang baril. Nananagasa sila ng paninda, nang-aagaw ng tinda pag nanghuhuli. Pag nahuli na nila, saka nila tatawagin ang mga pulis. Pinipili lang po nila ang mga hinuhuli. Pag hindi nakapagbigay, yun lang ang kukunin nila. O kaya kapag hindi nakapagbigay sa mga pulis, silang blue boys ang uutusan ng mga pulis. Bakit kailangan pa ni Kap. Anaceta kumuha ng NGO o mga sibilyan para manghuli e andami naman nilang pulis na walang ginagawa kundi umikot at mangikil sa vendors dito? Wag nyo nalang po ilagay ang numero dahil pag-iinitan nila ako. – Vendor ng Quiapo

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *