‘Baldog Ring’ sa Customs kinondena
Jimmy Salgado
July 21, 2015
Opinion
CUSTOMS Commissioner Bert Lina is doing his job kaya nag-exceed ng P1.6 billion ang BOC collection performance. Alinsunod sa utos sa kanya ni Pangulong Noynoy.
Pero bakit may mga powerful na tao na ayaw pa rin sumunod sa daang matuwid?!
Kamakailan nagkaroon ng reshuffle at may nabalik na ilang tirador na abogado na may questionable records.
Kagaya ng ilang nakatalaga sa auction na inimbestigahan ng NBI dahil sa reklamo sa auction na halos baldogin lahat ang mga bidding sa bigas asukal at iba pang produkto.
Naireklamo pa ng sexual harassment at ipinagyayabang na gagawa raw sila ng pera ngayon dahil matagal daw siyang nabakante.
Mukhang sabik na sabik ang grupong ito dahil ipinagyayabang nila na malakas daw sa isang Congressman na miyembro ng Liberal party.
Alam na ng mga taga-Customs kung sino ang tao na kung tawagin ay Mr. 50k sa Law Division kahit walang diperensiya ang dokumento ay hatag ka pa rin.
Nasabit rin sa missing 2,000 container vans.
Ito ang baldog ring sa Customs!
Pnoy ipakulong mo na ang mga baldog ring sa Customs!
***
Kung totoo nga na si Immigration Commisioner Fred Mison ay napakaraming kaso sa Ombudsman, dapat managot siya.
No one is above the law.
Kung totoo ang report na centralized na ang money making sa Immigration dapat lahat ng kasabwat ay makulong!
Kasama na ‘yung isa pang name dropper na opisyal na si kulang-kulang na kabit niya ang Secretary niya. Dapat ang susunod na Pangulo natin, habulin din ang kayamanan ng mga immigration officials na nagpayaman sa kaban ng bayan.
***
NBI pa rin ang pinakamatatag na ahensiya ng gobyerno ngayon.
Sila ang number one investigative arm of the government at sila ang sandigan ng mamamayan.
Kaya magreklamo lang kayo sa NBI kapag may nagtangkang mag-extort at mag-blackmail na taga-Customs sa inyo at hulihin ang mga importer/player na ‘di nagdedeklara nang totoo sa kanilang shipment.
Nariyan ang mga maasahan sa NBI gaya ni Director Virgilio Mendez, Deputy Director for Investigation Atty. Jun De Guzman, Deputy Director for Intel Joy Dolorias, Deputy Director for Regional Service Atty. Ed Villarta, Deputy Director Antonio Pagtapat at mga operating unit.
Lahat ng krimen at economic sabotage ay makaaasa kayo nang resulta sa NBI.
Mabuhay ang NBI!