Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mas mabigat na parusa sa mga taong nasa likod ng ‘pekeng’ bigas—Alcala

PINAPAYUHAN ni Agriculture Secretary Prospero Alcala ang publiko na umiwas sa pagkonsumo ng sinasabing ‘pekeng’ bigas na naging paksa ng malaking kontrobersiya kamakailan.

Sa Kapihan sa Manila Bay media forum sa Luneta Hotel, nagbabala ang kalihim sa mamamayan na huwag maniwala sa mga balitang hindi masama ang kontrobersiyal na ‘fake’ rice na galing sa Tsina.

Batay sa ilang mga ulat, maaaring iprinoseso ang nasabing ‘pekeng’ bigas gamit ang mga synthetic material imbes iba’t ibang mga starch (gawgaw) na nagiging mga butil sa pamamagitan ng ‘extrusion process.’

Ipinaliwag ni Alcala na ang ‘extrusion process; ay nagbibigay ng oportunidad na makagawa ng bigas na may mga nutrient na wala o kulang sa bigas.

“Nagiging paraan ito para matugunan ang problema ng nutrient deficiency,” idiniin ng kalihim.

Nang tanungin ukol sa posibilidad na pagkalat ng ‘pekeng’ bigas sa merkado sa iba’t ibang lugar sa bansa, sinabi ni Alcala na para maiwasan ito, kinakailangan magpataw ng mas mabigat na parusa para mapigilan ang pagbebenta sa merkado.

“Ginawa namin ito sa ‘botcha’ at makaraang magpataw kami ng mas mataas na multa at mas mahabang panahon ng pagkabilanggoi, nawala ang botcha sa ating mga palengke,” pagtatapos niya. 

Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …