Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ella, naghakot na ng fans, wala pa sa tono kung kumanta

 

00 fact sheet reggeeTAWA kami ng tawa sa nakuha naming feedback tungkol kay Ella Cruz sa ginanap na mall show ng #ParangNormal Activity noong nakaraang Sabado sa Market! Market! dahil kumakanta ng wala sa tono.

Ang iisang sabi ng mga nakapanood kay Ella, “my gosh, Bang-Bang na nga lang wala pa sa tono? Who’s that girl?”

Si Ella kasi ang finale sa nasabing mall show at feeling niya ay solo concert niya dahil bigay na bigay siya sa kaba-bang-bang niya.

“Dalawang kanta na nga lang, ni isa hindi tumama sa tono,” sabi pa ng mga nakarinig.

Bwahahaha, nakaaaliw talaga Ateng Maricris, at least hindi siya nag-lip synch ‘di ba?

Bukod dito ay ito pa ang nalaman namin, “kaloka talaga itong si Ella Cruz, ¼ ng audience ay fans niya at lahat sila naka-uniform ng gray as in at sabay-sabay na sigawan to the max hanggang sa mapatid ang mga litid. Hakot talaga ang fans ni Ella para may tagapalakpak at taga-sigaw siya.”

Kung inokray si Ella sa pagkasintunado niya ay puring-puri naman ng lahat si Kiray Celis na siyang opening number sa awitin ni Jennifer Lopez na Dance Again talagang sayawan ang audience.

In fairness, singer naman talaga si Kiray at ito ang talent niya nang sumali siya sa Munting Ms U sa Magandang Tanghali Bayan.

Wish namin ay kumuha ng voice coach o mag-voice lesson si Ella para naman hindi masakit sa tenga kapag kumakanta siya.
FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …