Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baron, magiging problema na rin ni Nathaniel

 

00 fact sheet reggeeMAY bagong kakaharaping problema si Marco Masa bilang si Nathaniel dahil akala niya ay patay na si Leo Martinez bilang si Mang Roman (tagasundo) hindi pa pala dahil pinalitan siya ni Baron Geisler bilang si Gustavo Palomar.

Nakadagdag pa ang gusot ngayon nina Ms Coney Reyes bilang si ALV at Pokwang bilang si Aling Beth dahil nga ipinagtapat na ng una na anak niya si Sharlene San Pedro bilang si Hannah.

Hiniling ni AVL kay Nathaniel na tulungan siyang ayusin ang gusot nila ni nanay Beth niya at ate Hannah na sa kuwento ay tita niya dahil kapatid ng papa niyang si Gerald Anderson bilang si Paul.

Isa pang haharaping problema ni Nathaniel ay ang nalalapit na pagpapakasal ng daddy Paul niya kay Isabel Daza bilang si Atty. Martha na may lihim na plano kasama ang kuya niyang si David Chua as Aaron.

Mahaba-haba pa ang lalakbayin ng kuwento ng Nathaniel dahil magkakaroon pa ng gulo rin sina Gerald at John Lloyd Cruz bilang si Atty. Francisco Lucas na maniningil din sa pamilya ni AVL.

Anyway, base sa napanood namin noong Lunes ng gabi ay lumabas na ang karakter ni Baron at nagmamasid-masid sa mga nangyayari kina AVL at Beth na nagkakagulo.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …