Monday , December 23 2024

Rhap, ipinagtanggol ni Gary

 

00 fact sheet reggeePINAGTANGGOL ni Gary Valenciano ang kapwa niya legit singer na si Rhap Salazar sa post nitong “I hate seeing artists lip synch on TV.”

Hindi nagustuhan ng netizens ang post na ito ni Rhap kaya’t kaliwa’t kanang bash ang inabot niya maski nag-post siyang, ‘huwag magalit’ sa kanya dahil personal niyang opinyon iyon.

Pero maski na may disclaimer si Rhap ay hindi pa rin siya pinatawad at maging ang ilang mga katoto ay nairita sa sinabi ng nasabing singer.

At sa nakaraang launching ng Pure Padala ng Puregold Price Club, Inc na si Gary ang endorser ay kinunan siya ng komento tungkol sa sinabi ni Rhap.

“Rhap is incredibly young talented singer, siguro napansin lang niya na it’s been happening again and again na nabibigyan talaga ng supposedly non-singers ‘yung pagkakataon na maging singers.

“And to be honest with you, I don’t know how to categorized din, sabihin natin ‘yung mga non-singers na singers na rin ay naririnig ko rin mismo sa kanila na, ‘hindi ko nga alam kung bakit ako ang pinili, hindi naman ako singer.’

“So, I know that Rhap is singing something from his own experience perhaps ‘yung iba’t ibang frustrations din niya na he’s really a good singer na kasama siya sa 5th gen.

“I think he is the reflections of many other singers na nag-aabang lang sa tabi. I think Rhap is reflecting his frustrations because he is not getting any younger, he’s getting older every day, every year, every season, so I understand where is he coming from,” pagtatanggol ni Gary V.

Tama talaga ang katwirang ito ni Mr. Gary V at unfair nga naman ito sa kanilang mga legit singer.

Pero alam din kaya ng legit singers lalo na ‘yung matatawag na hindi na masyadong aktibo na kahit na anong tulong o push ng isang network sa kanila at binibigyan ng exposure ay wala pa ring nangyayari, hindi pa rin bumebenta ang kanilang album.

Siyempre, business is business dito sa industriya at hindi rin naman papayag ang mga producer na malugi sila nang husto dahil the fact na ipinag-produce na nila ng album ang isang mang-aawit at hindi kumita ay lugi na sila.

Kaya hindi rin masisisi ang mga producer na mas gusto nilang ipag-produce ang mga singer-singeran dahil nga bumebenta ang album nila kahit alam mong may ‘ginamot’ lang ito sa recording.

Sabi nga ni Thor, ang tinaguriang Master of Soul ay paramihan ng fans ang labanan para bumenta ang album mo. Kaya pana-panahon lang ‘yan.

YFSF SEASON 2 MALAPIT NA!

Isa pang ikunuwento ni Gary V ay ang nalalapit na pagbabalik ng ikalawang season ng Your Face Sounds Familiar.

Bagamat hindi naman binanggit ni Mr. Pure Energy kung kailan pero base sa pagkakasabi niyang ‘very soon’ ay malapit na nga.

Sina Gary, Jed Madela, at Sharon Cuneta pa rin ang mga hurado pero maghihigpit na raw sila sa ikalawang season.

“Same judges, same team, same fun, naiba lang ang contestants. Mas bongga pa kasi ‘yung mga make-up artists alam na nila kung anong dapat gawin, alam na nila ‘yung challenge, so they’ll move forward ahead,” say ng mang-aawit.

Medyo maghihigpit daw ngayong ikalawang season dahil mas higher ang expectations ng manonood.

Kaya ang payo ni Gary V sa mga sasali sa YFSF, “you have to know how to sing talaga, kasi dapat hindi natin malimutan na dapat ka-voice nila ang ka-face, so I think that’s something important to remember, it’s not all about entertaining, but it has to be effective and authentic entertaining.”

AMBASSADOR NG PUREGOLD PURE PADALA

Anyway, perfect choice si Gary V bilang ambassador sa latest project ng Puregold Price Inc na Pure Padala dahil malapit siya sa OFW.

Tanda mo ateng Maricris na naging Pambansang Awit ng OFW ang kantang Babalik Ka Rin ni Gary V noong late 90’s?

At ngayon ay sinagot na rin ni Gary ito, ang ‘Makakarating’ na isinulat naman ni Betsy King at nilapatan ng tunog ni Tito Cayamanda at idinirehe naman ni Jofre Nachora ang music video nito.

Ang Pure Padala ng Puregold ay isang innovative, groundbreaking na bagong remittance service na ibinagay para sa mga Filipinong naninirahan sa ibang bansa at sa mga OFWs, at para sa kanilang mga pamilya rito sa Pilipinas.

Mayroong 12 milyong Filipino na naninirahan at nagtatrabaho sa ibang bansa at halos 2.4 milyon ang OFWs na naka-deployed sa iba’t ibang panig ng mundo.

Umaabot o lampas sa Php10,000.00 kada buwan ang naipadadala ng isang OFW sa kanyang pamilya at hindi ito kasya upang bumuhay ng isang pamilya at lalo na upang makapag-ipon para sa kinabukasan dahil ang perang iyon ay napupunta sa mga basic na pangangailangan gaya ng pagkain at monthly bills.

Sa tulong ng Pure Padala, ang perang inireremit ng bawat OFW ay direktang mapupunta sa mga basic at pinaka-importanteng necessities ng kanilang mga pamilya tulad ng pagkain, tuition fees at utilities, loan payments, at puwede rin itong gamitin bilang puhunan sa isang sari-sari store business.

Ang bawat OFW na magpapadala ng pera ay sa pamamagitan ng Pure Padala sa tulong ng Globe GCash. Ang mga OFW ang magdedesisyon sa allocation ng perang kanilang ipadadala. Makatatanggap ng text ang kanilang mga pamilya na mayroong breakdown ang perang kanilang makukuha at ito ay puwede nilang i-redeem sa Puregold.

Ang Puregold Price Club Inc. President naman na si Vincent Co, ay masaya rin ngayong isa nang realidad ang Pure Padala at pumayag si Gary na inendoso ito.

“The long wait is finally over at masaya po ako ngayong nandito na ang Pure Padala upang serbisyuhan ang ating mga hard-working OFWs at kanilang mga pamilya. I can only imagine the hardships that every OFW is going through everyday as they work, ng malayo sa kanilang mga pamilya at mahal sa buhay sa kanilang hangarin na bigyan ang kanilang pamilya ng magandang kinabukasan.

“We at Puregold sincerely hope that PurePadala delivers each family’s needs conveniently. Masaya rin kami sa pag-welcome kay Gary bilang pinakabago naming Kapamilya. Gary has inspired countless Filipinos in the span of his amazing career and our partnership with him is truly an honor.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *