Monday , November 18 2024

Hussin nanindigan laban kay Mison

SA kabila ng pagsampa umano ng kasong kriminal laban sa kanya sa Tanggapan ng Ombudsman, hinarap ni dating Bureau of Immigration (BI) intelligence chief Atty. Faisal Hussin ang akusasyon sa kanya ni Immigration commissioner Siegfred Mison ng misrepresentation at falsification of documents.

Nakaharap ni Hussin ang tagapagsalita ni Mison na si Atty. Elaine Tan sa weekly media forum na Tapatan sa The Aristocrat Restaurant, Malate, Maynila.

Kinuwestiyon ng dating intel chief at pangulo ng BUKLOD ng Kawani, samahan ng mga empleyado sa BI, ang maling pamamalakad ni Mison ukol sa nationwide rotation ng mga empleyado sa malalayo at halos hindi kilalang lugar sa Filipinas na malimit ay wala umanong sariling tanggapan.

Ngunit sinagot ni Tan ang mga paratang ni Hussin na ikinatuwiran niyang prerogative umano ng kanilang hepe, at maging ang mga akusasyon ni Hussin sa bukas na liham kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Lumiham si Hussin sa Pangulo para hilinging alisin sa puwesto si Mison dahil sa umano’y ‘betrayal of trust’ at hindi pagsunod sa itinakdang adhikain ng Partido Liberal na tahakin ang ‘Daang Matuwid’ kontra sa laganap na korupsyon sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno.

Samantala, si Mison na nahaharap iba’t ibang kaso sa Office of the Ombudsman ay punto-por-puntong nagpaliwanag na ang usapin sa padding ni Mison sa kanyang gasoline at toll reimbursement ay napatawan na siya ng parusang ‘reprimand’ mula sa Ombudsman.

Ipinagtanggol din ni Mison ang pagtanggap niya ng overtime pay na nakapaloob umano sa institutionalization ng express lane fees na nagsimula pa noong 1989 at ipinatupad ng lahat ng mga commissioner ng BI.

Gayon man, nauna nang inireklamo si Mison sa pagtatanggal naman ng overtime pay sa mga pangkaraniwang empleyado at ilang opisyal.

Sa usapin ng pagpapalaya at pagkawala ng dalawang Chinese national na sina Fu Gaofeng at Wilson Ong Cheng, sinabi umano ni Mison na dumaan ito sa tamang proseso batay sa mandato ng bureau.

Itinanggi ni Hussin ang bintang ni Mison na dinaya niya ang kanyang birth records.

Aniya nagkaroon ng late registration sa kanyang pagsilang kung kaya napaghinalaang nandaya siya sa kanyang edad. Ang mga papeles ukol dito ay isinumite ng kanyang ina sa National Statistics Office upang masertipikahan ang kanyang birth certificate sa tamang petsa ng kanyang pagsilang. 

Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *