Alyas Abu, tinatalupan na! (Ipinag-utos ni Commissioner Bert Lina)
Rex Cayanong
July 11, 2015
Opinion
Hinuhulaang isusukang lahat ng isang alyas ABU ang mga nakulimbat nito mula sa Bureau of Customs makaraang ipag-utos ni BOC Commissioner Bert Lina ang pagsasailalim dito sa isang malalimang imbestigasyon.
Si alyas ABU na umano’y naka-talaga bilang scammer ‘este’ scanner ng BOC Intelligence Group sa ilalim ni Deputy Commissioner Jesse Dellosa ay nahaharap sa patung-patong na reklamo mula sa mga Customs brokers at importers na kanya umanong kinokotongan.
Ongoing na rin ang imbestigasyon ng NBI sa ilalim ng pamumuno ni NBI Deputy Director for Investigation, Atty. Jun De Guzman.
Ayon sa ating mga sources, talamak na sabungero itong si alyas ABU na hindi bababa sa Php150-M ang kabuuang networth na hindi naaayon sa salary bracket nito.
May mga kuwestiyonableng properties din umano si alyas ABU sa lalawigan ng Pangasinan, Bulacan at Batangas.
Madalas din umano itong mangibang bansa partikular na sa mga Asian countries na karay-karay ang buong pamilya.
Inabuso umano ni alyas ABU ang tiwalang ipinagkaloob dito ni BOC-IG Deputy Commissioner Jesse Dellosa at ginamit pa ng una sa pangungurakot ang pangalan ng kanyang amo.
Desidido naman si Commissioner Lina na hukayin pa ang buong katotohanan sa isyung ito ni alyas ABU at tanggalan ng maskara ang iba pang kakutsaba nito sa loob ng bakuran ng BOC.
Si Commissioner Lina umano ang nag-utos para imbestigahan ang mga iligal na aktibidades ni ABU makaraang mabuko ito ni BOC-IG Special Assistant, Major Cabading.
Si Major Cabading umano ang nakakapa sa lahat ng katarantaduhan nitong si ABU.
Sa ngayon, nagkaroon ito ng chilling effect sa iba pang tauhan at opisyales ng Customs na nahirati sa delihensiya at pangongotong.
Seryoso si Commissioner Lina sa paglilinis ng Aduana at tiniyak nito na wala siyang sisinuhin.
‘Heads will roll’, paniniguro ni Lina.
Mabuhay ka Commissioner Lina. Keep up the good work!
With you around sir, magmimistulang asong bahag ang buntot ng mga dorobo diyan sa BOC.
Para silang mga ahas tulog na walang kamandag!
He he he!
Jueteng ni Gil Tepang sa Cubao, Kyusi namamayagpag! (Anyare Gen. Joel Pagdilao)
Sa kabila ng media expose’ patungkol sa illegal na operasyon ng pa-jueteng ng pamosong si GIL TEPANG Ang Cubao,Quezon City,lantaran pa rin ang koleksyon ng mga kubradores nito sa area ng Cubao.
Malakas ang loob ni Tepang dahil nakakubli ito sa isang legal na prangkisa ng PAGCOR para sa isang On-line Bingo outlet sa Westpoint street,Cubao.
Sa loob ng establisimiyentong ito binobola tatlong beses isang araw ang pa-jueteng na ito ni Tepang na bantog din bilang Beerhouse King ng lungsod Quezon.
Kay Tepang ang chain of beerhouses diyan sa Cubao. Sentro ng koleksyon ng jueteng operation ni Tepang ang Mega Q-Mart at ang buong area ng Cubao na sakop ng QCPD Station 7.
Kung ganitong inutil ang kapulisan ng Kyusi sa katarantaduhang ito ni Tepang ganoon din ka inutil ang tanggapan ni Mayor Herbert Bautista na sinasabing direktang nakikinabang sa illegal operation ni GIL TEPANG.
Maging ang tanggapan ni DILG Secretary Mar Roxas ay sinasabing ipinagmamalaki ni Tepang.
Isang General.Pagdilao ang ipinagmamala-king padrino umano ng jueteng lord ng Quezon City bukod pa sa ilang city councilors na kakis-kisang-siko umano nito.
May ilang dekada na rin umanong namamayapgapag si Tepang sa nasabing lungsod at isa sa mga malalaking ‘fund contributors’ ng mga lokal na pulitiko at kapulisan.
Samantala,nagbabanta ang isang malapit na tauhan ni Tepang na isisiwalat nito ang laman ng kanyang ‘blue book’ na iniingatan sakaling galawin ng mga awtoridad ang kanilang operasyon dahil na rin sa pangangalampag na ginagawa ng media.
‘Magsama-sama na kami’, ayon pa sa tao ni Tepang na sinasabing tagapagbigay ng lingguhang ‘intelihensiya’ sa ilang VIPs at miyembro ng PNP.
Umaabot umano sa Php 1-M kada lingo ang isinusukang payola ni Tepang sa lokal na kapulisan pa lamang at sa mga units sa Kampo Crame.
Malaking bahagi umano nito ay napupunta sa tanggapan ni Gen. Pagdilao.
Wala pa ring imik o aksyon si Pagdilao sa isyu ng pa-jueteng ni Gil Tepang.
Nagte-tengang kawali nga ba o sadyang di gumagawa ng karampatang hakbang dahil may commitment.
Speaking of illegal gambling, malala rin ang sugalan sa siyudad ni Mayor Maribel Eusebio ng Pasig kung saan mismong pulis ang pasimuno ng iligal na pasugal.
Kinilala ng sources ng TARGET ang pulisang ito na si JIGS SERBILLON na ang assignment umano ay sa NCRPO.
Protektado ng pulis ang lotteng network sa Pasig nina alyas CRIS, LAARNI at ROSE.
Astig umano at sanggang-dikit ng pulis na si SERBILLON si Mayor Maribel Eusebio at bitbit ang pangalan ng butihing alkalde sa katarantaduhan.
Ipinag-utos na rin ni NCRPO Director Carmelo Valmoria ang pag-aresto sa pulis na si Servillon na matagal na ring nasa intel report ng NCRPO patungkol sa involvement nito sa mga katarantaduhan. Di na umano nagre-report si Video karera KING Jigs Servillon sa kanyang mother unit.
Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday to Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]