Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ynna, thankful sa lolabasyang.com (Dahil malaking tulong sa pagpapa-aral sa sarili)

00 fact sheet reggeeSOBRANG thankful si Ynna Asistio dahil napasama siya sa LolaBasyang.Com na mapapanood na bukas ng 7:00 p.m. sa TV5 dahil wala palang regular show ito sa ABS-CBN na mayroon siyang kontrata sa Star Magic.

Nilapitan ni Ynna ang program manager ng The IdeaFirst Company na si Mr. Omar Sortijasna nagpapasalamat at sabay sabing, ”so tuloy-tuloy na ito hanggang March? Kasi kailangan ko.”

Graduating na kasi ang panganay na anak ni Nadia Montenegro sa kursong Communication Arts sa Centro Escolar University at kung hindi kami nagkakamali ay si Ynna na rin ang nagpapaaral sa sarili niya bukod pa sa tumutulong siya sa pamilya niya.

Kasama si Ynna sa episode ng Ang Plawtin ni Periking sa LolaBasyang.Com mula sa direksiyon ni Perci Intalan.

Samantala, itinanggi ni Ynna ang nabalitang may gusot ang mama Nadia niya at mga kaibigan nitong sina Precy V. Ejercito at Laarni Enriquez.

Bagamat nasulat na namin dati rito sa Hataw ang panig ni Nadia ay nananatiling hindi pa rin sarado ang isyu dahil hindi naman nagbibigay ng panig pa sina Precy at Laarni.

Ayon kay Ynna, walang katotohanan ang gusot, ”hindi po, wala namang ganoon.”

“Marami pong nagtatanong sa amin kung anong nangyari kay Tita Precy at kay Mommy, wala naman po, wala namang sinasabi at wala akong napapansin kay mommy.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …