Saturday , November 23 2024

VP Binay walang ‘paki’ sa Erap-Poe

 

SAGOT ito ni Vice President Jojo Binay sa naging kolum ko kahapon na nagpupulong na ang kampo ni Erap para sa muling pagtakbo sa pagka-presidente sa 2016.

Say ni VP Binay, inirerespeto niya ang “Erap-Poe” tandem sa 2016. Basta siya ay tuloy ang kanyang pagtakbo. Period!

Anyway, hindi pa naman talaga malinaw ang pagsabak muli ni Erap sa panguluhan. Pinapakiramdaman palang niya ang kalagayan ni VP Binay na patuloy ang pagbagsak ng ratings sa mga survey simula nang mabunyag ang grabeng katiwalian sa Makati na pinamunuan niya at ng kanyang pamilya simula 1986 hanggang ngayon.

Inamin din ni VP Binay na wala pa siyang nakikitang running mate at wala pa silang lineup ng senatoriables. Patuloy pa rin aniya ang paghahanap ng kanyang search committee.

Una nang inialok ni VP Binay na maging running mate sina Batangas Governor Vilma Santos, Senator Grace Poe, Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Manila Mayor Josehp “Erap” Estrada pero pawang tumanggi na pa-under sa kanya.

Ilan rin sa kanyang mga nililigawan para sa senatorial line-up ng partidong United Nationalist Alliance (UNA) ay sina boxing congressman Manny Acquiao at ex-Manila mayor na ngayo’y Buhay Partylist representative Lito Atienza.

So far, abala si VP Binay sa pag-ikot sa mga probinsiya lalo sa mga dinaanan ng trahedya at kalamidad, habang namimigay siya ng bag ng grocery na may tatak

“Kay Binay Gaganda ang Buhay” ay isinasabay na rin niya ang pagbanat sa administrasyon ni PNoy.

Goodluck sa kanila!

TOTOO ANG PAGBUBUWIS SA MGA PRIBADONG BALON SA LA UNION

– Sir Joey, totoo po ang comments ng dalawang texter dated 7/2/15 na taga-La Union, tungkol sa pagbuwis sa mga pribadong balon ng tubig at pagbenta ng sariling lupa na dapat approval ang (politiko) sa nasabing bayan ng La Union. Silang mag-asawa na (politiko) ay matuturing na conjugal dictator at ang lalaki ay ubod ng sama ang pag-uugali at tila sila ay mga kampon ni Satanas. Example po ng kanilang makahayop na pamamalakad ay mga ito: Isang nagmamay-ari ng lupa along the national highway ay pilit na “binibili” na may harassment. Malapit din sa paaralan ng high school na nakapangalan sa yumaong ama ni (politiko) at nang tumanggi ang may-ari ng lupa, pinatayuan ni politiko na kaalyado ni VP Binay ng waiting shade sa harap ng naturang lote/lupa. At ang isa pang lote/lupa ng kaaway nya sa pulitika ay pinatayuan din ng waiting shade sa harapan as harassment to the lot owners. These are just few examples how arrogant, vindictive, cruel, corrupt etc… na tuta ni VP Binay sa part nitong La Union. Huwag nyo na lang po ilagay ang numero ko. – Concerned citizen

Aba’y kung totoo ang text na ito ng ating suki, napakawalanghiya nga ng mag-asawang politiko na ito? Ano ang pakialam nila sa lupa ng may lupa kung ibebenta ito? Bakit kailangan pang kumuha ng permiso sa kanila? Ang ganitong uri ng mga politiko ay hindi nyo na dapat ihalal pa sa 2016. Kayong mga botante dyan sa inyong bayan ang maaring magpatalsik sa kapangyarihan sa mga abusado ninyong kongresista, mayor o gobernador. Huwag nyo nang iboto ang kahit sino sa miyembro ng kanilang pamilya.

MGA UNIPORMADONG PULIS UMEESKORT SA TRAK SA PORT AREA

– Sir Joey, paki-surviellance yung mga pulis dyan sa tabi ng DPWH South, Manila, dyan sa 8th St., Port Area, nag-e-escort sa mga trailer. Di nga alam kung illegal. Binabayaran sila ng P800 pataas. Mga naka-uniform pa iba. Marami sila dun. Kasi gumagawa po sila ng trapik dyan. – 09483360…

Okey sa akin mag-sideline ang pulis basta’t tapos na ang kanilang duty bilang pulis. Pero kung buong araw at gabi na ang kanilang pag-e-escort at hindi na nagpapakita sa presinto, dapat sibakin yan!

SEC. ABAD ANYARE SA PNP PENSION?

– Sir Joey, paki-kalampag si Budget Sec. Butch Abad. Dahil 2010 pa yung PNP Pension differential up to now ay hindi parin naibibigay. Ganid po talaga si Abad! – 0923201, JB of San Juan

‘SUNGAK SUNGAT’ MGA DRIVER NG ROAD STAR (NEGROS)

– Gud am po. Report ko dito sa taga-Road Star… parang sungak sungak (matatakaw) ang mga driver at konduktor sa pag-pickup ng pasahero. Kahit ga-sardinas na, tuloy parin. Sana maaksiyunan na ito ni Mayor ng Bago City. – Concerned citizen

Overloading ang Road Star bus, ang ibig sabihin ng ating texter. Delikado yan! Dapat hinuhuli ng traffic enforcers ng Bago City yan!

BAKIT DRUG USERS ANG HINUHULI AT PINAGMUMULTA?

– Sir Joey, tanong ko lang po: Bakit kinukulong ang mga adik na nahuhuli sa mga pot session gayung hindi naman sila nagbebenta, tapos ang lalaki pa ng multa – P20K hanggang 100K. Di ba save the users, jail the pusherss? Tapos yung mga nagso-solvent sa lansangan pinababayaan lang nila. – – 09309499…

Tama ang ating texter. Ang kailangan ngayon ng gobyerno ay magpatayo ng malaking drug rehabiliration centrers para sa mga nahuhuling adik. Hindi naman dapat pinagmumulta ang mga drug users, kasi biktima rin sila. Nire-rehab dapat sila. Ang dapat ikinulong ay pushers!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

PULIS PULIS – Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *