TYPE ni John Lloyd Cruz ang mga kakaibang papel ngayon sa pelikula tulad ng indie film na entry sana sa 2015 Metro Manila Film Festival, pero hindi pinalad na mapasama.
Ngayon naman ay magkasama sila ni Piolo Pascual sa pelikulang Hele Sa Hiwagang Hapis sa Sorsogon na ididirehe ni Lav Diaz na produced naman ng Ten17P Productions niDirek Paul Soriano at idi-distribute naman ng Star Cinema.
Pakiwari namin ay nagsawa na ang aktor sa romantic comedy at ayaw na niya ng may ka-loveteam.
At ngayon naman ay kasama na si Lloydie sa seryeng Nathaniel bilang si Francisco Lucas na isang abogado na nais labanan ang kasamaan ng pamilya nina Paul (Gerald Anderson) at AVL (Coney Reyes).
Sino si Francisco at ano ang kasalanang nagawa sa kanya ng pamilya Laxamana? Paano niya babaguhin ang takbo ng buhay ng lahat, pati na rin ang misyon ng anghel na si Nathaniel (Marco Masa).
Kaya abangan ang Nathaniel sa primetime bida pagkatapos ngTV Patrol.
FACT SHEET – Reggee Bonoan