Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ka-holding hands na girl ni JC, ‘di raw niya GF

 

070815 JC de vera GF

00 fact sheet reggeeISA ang The Burgery ni JC de Vera sa nakiisa sa ginanap na World Trade Center Super Sale Bazaar noong Sabado, Hulyo 4 at nakita namin ang aktor na may kasamang non-showbiz girl na sabi ng mga nakaaalam ay girlfriend ng aktor.

Naengganyo kaming pumila sa burger stall ni JC at dahil maraming tao kaya medyo matagal kaming pinaghintay ng staff niya. Maya-maya ay lumabas na ang aktor at ngumingiti sa mga customer niya at nginitian namin siya pero hindi kami nakilala kaya deadma siya. Nakita namin ang non-showbiz girl na laging nakadikit kaya tinanong namin sa kasama namin kung sino na ang girlfriend ni JC after LJ Reyes?

Ang katabi naming babaeng kumakain ng crunchy bacon ang sumagot ng, “yung kasama niya, ‘yun ang girlfriend niya.”

May tinawagan kaming kasamahan sa hanapbuhay para itanong kung bakit naghiwalay sina JC at LJ sabay kuwento ng nakita namin.

“Naku, ‘yan siguro ‘yung girl na sinasabing nakikitang kasama ni JC na ka-holding hands pero ayaw niyang aminin. Sabi lang niya kaibigan lang at wala raw siyang girlfriend.”

Hmm, kinunan namin ng palihim sina JC at girl at dahil nakatalikod ay nagpaalam kami sa aktor na kung puwede siyang kunan at sinagot kami ng, “no (sabay iling).”

Hanggang sa nakita naming sinabihan niya ang girl na huwag humarap sa amin kaya laging nakatalikod at si JC ay palihim kaming sinisilip kung kinukunan namin sila ng litrato.

Timing naman na napanood namin ang Gandang Gabi Vice noong Linggo, Hulyo 5 na guests sina JC at Matteo Guidicelli para sa promo ng Dreamboys concert nila sa Music Museum sa Sabado, Hulyo 11.

Tinanong ni Vice kung may girlfriend si JC at buong ningning niyang sinabing, ‘wala nga.’

So sino ang girlash na nakunan naming kabuntot ni JC sa bazaar?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …