Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

I care for him…I don’t regret being in a loveteam — Nadine on James

 

052015 jadine

00 fact sheet reggeeMUKHANG kahit anong gawin ni James Reid na ikaaapekto ng tambalan nila ni Nadine Lustre ay patatawarin siya ng aktres dahil parati siyang ipinagtatanggol.

Katulad sa balitang iniwan ni James ng regalong bigay sa kanya ng fans sa hotel na labis na ikinasama ng loob dahil nag-effort nga naman sila. To the rescue ulit si Nadine sa kapapaliwanag tungkol dito.

“Actually, ‘yung sa akin (regalo) po, dala ko po at may nagbigay din ng banana chips sa amin, ito po ‘yung kinakain namin ni Yassi (Pressman) na nakita sa photo.

“’Yung kay James po, naiwan po nga yata ng handler kasi we were all rushing na po noong time kasi male-late na po kami.

“Sabi nga ni James, ‘yung handler niya ang nakaiwan, hindi po siya,” pagkaklaro ng aktres.

Hindi naman itinanggi ni Nadine na kailangan niyang protektahan si James lalo na kapag nakatitikim na ito ng sobrang pamba-bash sa social media.

“That’s why, I’m here nga po, para maprotektahan ko rin siya, para matulungan ko rin siya, like sabi ko nga po kanina, hindi naman siya iba, ‘yung nangyari sa aming dalawa, isa po ito sa pinaka-importanteng nangyari sa buhay ko, ito ngang loveteam namin, kaya po ako nandito, para tulungan ko rin siya.

“Hindi ko naman po iniisip na unfair. I care for him din naman po, so ‘pag nadapa siya, siyempre, tutulungan ko po siya, hahatakin ko siya para makabangon.

“I’m not complaining naman po, I don’t regret anything, I don’t regret being in a loveteam kasi sobrang nag-e-enjoy po ako at sobrang gusto ko po ‘yung nangyayari ngayon. Hindi rin naman po ako makararating dito kung hindi rin po dahil sa kanya,” katwiran ng dalaga.

Ano naman ang reaksiyon ni Nadine na si Julia ang itinuturong dahilan kaya mahina sa takilya ang pelikulang Para Sa Hopeless Romantic?

Ito lang daw kasi ang pelikula nila ni James na mahina dahil parehong blockbuster ang Diary ng Panget at Talk Back and You’re Dead.

“Well, siyempre, hindi rin naman po okay na siya ‘yung sinisisi kasi hindi mo talaga mako-control maski sabihin naming, ‘it’s not her fault’ talagang ibang tao may ibang opinyon and you can’t really control it.

“But in fairness naman kay Julia, since she is in showbiz, she knows how to handle it,” paliwanag ni Nadine.

Okay lang ba na muli silang magkasama ni Julia bilang ka-love triangle nila ni James?

“Why not, sa Viva naman po iyon and if there’s an opportunity and it’s still a project, kukunin ko pa rin po,” say ng dalaga.

Isang ikinatutuwa ni Nadine ay muli niyang nakatrabaho ang kapwa niya Viva artists sa pelikulang Chain Mail sa pangunguna nina Shy Carlos, Meg Imperial, AJ Muhlach, Khaleb Santos, at Mark Bautista.

“Maski na po special participation lang ako sa movie, happy po ako kasi maganda naman ‘yung role ko,” pahayag ni Nadine.

Hula ng lahat si Nadine ang killer sa Chain Mail?

“Hindi po ako, akala nga nila ako, pero hindi ko po sasabihin kung sino,” napangiting sabi ng dalaga.

Anyway, panoorin na lang natin ang Chain Mail sa Hulyo 22 mula sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr. mula sa Viva Films.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …