Friday , November 15 2024

Hayaan natin…

USAPING BAYAN LogoMARAMI ang nagsabi na mas mabuting huwag nang magsalita si Vice President Jejomar Binay kaugnay sa mga sinasabing katiwalian at kapalpakan ng kasalukuyang administrasyong Aquino dahil siya mismo ay batbat ng kontrobersiya.

Wala raw kredibilidad si Binay na mamuna dahil bukod sa halos limang taon siyang bahagi ng gabinete ng espesyal na pangulong si Benigno Simeon Aquino III ay marami rin akusasyon ng katiwalian laban sa kanya. Mas mabuti raw na tumahimik na lamang at hayaan ang pamumuna sa iba.

Ewan ko pero palagay ko karapatan ni Binay na magsalita kahit siya mismo ay kontrobersiyal. May palagay ako na alam naman ng taong bayan kung tama o mali siya. Kung pagbabawalan natin ang isang tao na magsalita ay para rin nating sinikil ang kalayaan sa pagpapahayag.

Ano palagay ninyo?

* * *

May mga nagsasabi na dapat daw itaas ang kwalipikasyong pang-edukasyon ng mga tumatakbo sa pagka-pangulo ng bansa. Ayon sa kanila ay mas mataas pa ang kwalipikasyon na hinihingi para sa isang papasok ng trabaho bilang janitor kaysa mga nag-aambisyon na maging pangulo ng ating bayan. Dangan kasi ngayon ay walang hinihinging educational attainment sa mga kandidato para sa pagka-pangulo ng bansa.

Maaaring totoo na may hinihinging educational attainment sa mga gustong mag-janitor pero ang hindi nakasulat na kwalipikasyon para sa mga ibig maging pangulo (congressman, senador o mayor) ay pangangailangang mayaman sila. Aber, makatatakbo ba ang isang interesado sa posisyon kung wala siyang milyones ngayon?

Dahil sa kasalukuyang siste, tiyak na maya-yaman o ang masasalapi lamang ang naihahalal na opisyal ng bansa at dahil mayaman ay halos nakatitiyak ako na ang marami sa kanila ay nanggaling din sa mga Buena Familia at nagtapos sa mahuhusay na paaralan tulad halimbawa ng University of the Philippines, Ateneo de Manila University, La Salle University o University of Santo Tomas.

Malabong maging pangulo ang isang mahirap o ‘yung nagtapos ng pag-aaral mula sa mga sinasabing diploma mill lamang. Kung hindi ka rin lang may pera, konektado at mula sa isang premyadong paaralan ay halos milagro na lang ang tsansa na maging pinuno ka ng bansa.

* * *

Binabati ko ang aking mga Kapatid sa Confraternitas Justitiae sa aming ika-22 anibersaryo. Harinawa ay patuloy nating naisasabuhay ang mga aral na napulot sa ating kapatiran lalo na ‘yung may kaugnayan sa pakiki-pag-ugnayan o Tunay na Pagpapakatao. Inaasahan ko na lahat tayo ay nasa mabuting kalagayan at kalusugan sa kabila ng kahirapan na kinakaharap ng ating bayan.

Muli maligayang anibersaryo mga Kapatid ko. Mabuhay tayo.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling. Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *