AMINADO si Marvelous Alejo na kinabahan siya sa kanilang kissing scene ni Edward Mendez sa Wattpad Presents: Said I Loved You na magsisimula nang mapanood ngayong Lunes sa TV5.
“Bale, first screen kissing scene ko ito, kaya po kinabahan ako ng sobra. Hindi naman po passionate kiss.
“Kinabahan ako doon sa part ng kissing scene, since hindi naman talaga ako aware kumiss sa lalaki on screen. Kasi iba ‘yung may feelings, iba yung for work.
“Hindi ko po talaga ine-expect ‘yung kissing scene at inask ko pa ang management kung talagang gagawin ko po. Need lang po talaga ng story, kasi po talagang patay na patay ‘yung role ko kay Edward,” saad ni Marvelous. Itinanggi rin niyang kinagat niya ang kaeksenang si Edward. “Hindi po! Sobrang lips to lips lang ‘yun. Naramdaman ko po ‘yung something niya pero normal kiss lang iyon.”
Sinabi pa ng young actress na maayos naman daw na nagawa nila ang hinihingi ng eksena sa tulong ng kanilang director.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio