Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kaseksihan ni Jennylyn, agaw-pansin sa NYC

011015 Jennylyn Mercado

00 fact sheet reggeePINADALHAN kami ng litrato ng Cornerstone Talent Management nina Sam Milby at Jennylyn Mercado na kasalukuyang nagsu-shooting sa New York City, US of A para sa pelikulang Pre-Nup ni Jun Lana produced ng Regal Entertainment.

Sa sikat na Times Square ang venue ng shooting nina Sam at Jen base sa mga litratong ipinadala sa amin at timing naman na may kaibigan kaming nakakita sa kanila nitong weekend.

Mensahe sa amin ng kaibigan namin doon na naka-base sa NYC at nagtatrabaho sa Macy’s, “uy, nakita ko sina Sam Milby at Jennylyn nagkukuwentuhan sa isang tabi parang may hinihintay.

“Ang ganda pala ni Jen sa personal, ang sexy-sexy. Si Sam din, Amerikano talaga siya kaya hindi mo masyadong mapapansin na artista pala siya.

“Totoo ba ‘yung balita na nagkabalikan na sila ni Dennis (Trillo), nabasa ko sa Twitter.”

Dagdag pa, “walang nakakakilala sa kanila (Sam at Jen) kasi wala namang Pinoy na nakakita sa kanila. Nadaanan ko lang kasi papunta kami ng H & M sa malapit sa Broadway. Anong movie ba ‘yung ginagawa nila?”

Totoo naman din na walang masyadong Pinoy sa nasabing lugar base na rin sa naranasan namin ng naroon kami sa NYC ng apat na araw noong Disyembre na wala kaming nakita.

Base sa mga litratong nakita namin ay bagay sina Sam at Jennylyn na sinang-ayunan naman ng kaibigan namin.

“Puwede rin, bagay naman sila, guwapo at maganda. Pero ‘di ba, sina Dennis at Jennylyn daw?” hirit sa amin.

Susme, si Dennis talaga ang natatandaan ng tao kay Jennylyn?

Samantala, kuwento rin ng kaibigan namin na sobrang mainit daw ngayon sa NYC na parang klima sa Pilipinas kaya pala dire-diretso lang ang shooting ng Pre-Nup dahil maaraw.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …