Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Enchong, ‘di magtatagal sa PBB House

 

062715 enchong dee

00 fact sheet reggeeHANGGANG kailan kaya sa loob ng Pinog Big Brother House si Enchong Dee?

Kaya namin ito naitanong ay dahil kailangan niyang mag-promote ng nalalapit niyang two night concert sa Music Museum na may titulong DeeTour sa Hulyo 3 at Hulyo 10.

Pero ang sitsit naman sa amin ng taga-PBB ay sandali lang naman ang My Kung Fu Chinito actor sa Bahay ni Kuya at lumalabas din para gawin nito ang mga dapat niyang gawin.

Kuwento ng aming source, “tine-tape lang naman ang mga eksena niya tapos pinauuwi na rin siya, hindi naman siya nag-stay doon.”

Tinanong namin ang kasama namin sa bahay na avid viewer ng PBB 737 kung nasa bahay pa si Enchong dahil nga hindi kami nakakapanood ng nasabing reality show.

“Ay kagabi (Miyerkoles), wala po siya, hindi ipinakita si Enchong, mga regulasyon sa sala ang ipinakita,” kuwento sa amin ng kasama sa bahay.

Totoo pala kasi kung wala nga si Enchong, eh, malamang na ito ‘yung eksenang hindi siya kinunan.

In fairness, ang daming exposure ngayon ng binatang aktor para sa DeeTour concert niya dahil bukod sa PBB 737 ay nasa Wansapanataym Presents: My Kung Fu Chinito pa siya tuwing Linggo kasama si Richard Yap bilang si Chairman Peter Tan handog ng Dreamscape Entertainment.

FACT SHEET – Reggee Bonoan 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …