TOTOO kaya itong text message sa amin ng taong nakakita kina James Reid at Julia Barretto, “they’re dating na noon pa, hindi lang alam ng iba.”
Wala kaming kontak sa dalawang personalidad kaya wala kaming makuhang sagot para tanungin din ang balitang kalat sa social media na nahuli silang naghahalikan sa isang club.
Hindi na bago sa amin ang pagka-clubbing ni James dahil inaamin naman niya ito pero nangako siya na titigilan na niya dahil nga napagsabihan siya ng talent management ng Viva at para na rin sa project nila ni Nadine Lustre na On The Wings og Love.
Pero heto, naulit na naman ang nightlife hobby ni James at kasama na niya si Julia na may project din kasama naman si Inigo Pascual na And I Love You So.
Nakakaloka ang mga bagets na ito, imbes na alagaan ang kanilang mga imahe ay kung saan-saan napagkikita.
Well, sabi nga kung noon pa sila nagde-date at gusto naman nila ang isa’t isa, eh, sana maging discreet naman sila at huwag magpapakitang naghahalikan sa publiko dahil isipin din naman nila ang kanilang respective loveteams na sinusuportahan ng fans.
Lalo na si Julia na hanggang ngayon ay hirap pa ring makakuha ng permanent love team. Nakailan na ba siya bago napunta kay Inigo?
FACT SHEET – Reggee Bonoan