Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice, ‘di na aalisin ang shares sa Valkyrie Club

 

051215 vice ganda

00 fact sheet reggeeHINDI na itutuloy ni Vice Ganda ang pag-pull-out ng shares niya sa Valkyrie Club na matatagpuan sa Bonifacio Global City dahil humingi na ng dispensa ang management nito kay fashion designer, Veejay Flores.

Kamakailan ay nagreklamo si Veejay na hindi raw siya pinapasok sa Valkyrie dahil naka-cross dress siya na kahit ipinaliwanag niyang transwoman na siya base sa US ID niyang nakalagay na female.

Noong Lunes ay nag-post kasi si Vice ng, ”To all members of the LGBT community: I AM ONE OF YOU AND I AM ONE WITH YOU.

“The No Cross dressing Policy in any establishment is so THIRD WORLD. If Valkyrie implements this crap, I will pull out my very small share.”

At dahil humingi na nga ng dispensa ang management ng club, ”hi Reggs, hindi na (pull-out) kasi nag-apologize na ang management kay Veejay, actually, last week pa sila nag-apologize, sina Neil (Arce), si Tim ( Yap ).

“Ang totoo, wala namang no cross dressing policy ang Valkyrie, napakaluma na ‘yan, matagal ng na-discuss ‘yan simula palang, wala talaga.

“’Yung staff na nag-implement, nagkamali lang, hindi niya alam, kaya na-reprimand na ‘yung staff na ‘yun, binigyan na ng kaukulang parusa.

“Ayoko namang mawalan siya ng trabaho, kahit naman bakla ako, ayoko siyang mawalan ng trabaho, siguro i-educate na lang para alam niya ‘yung patakaran o policy ng Valkyrie.”

Nagtataka nga raw si Vice kung bakit may ganoong policy,”nag-meeting kami noon pa, wala talaga, nagkamali lang talaga ‘yung staff that time, susme, ang dami-daming cross dresser na nasa loob ng club ‘no?

“Kaya lang naman ako nagsalita sa ‘Showtime’ kasi member ako ng LGBT community at gusto kong ipakita sa kanila ang pakikiisa ko, kasi hindi naman tama ‘yun.”

Ang bouncer daw ng club ang responsable rito na marahil ay walang alam sa policy ng club.

Magkakaroon nga raw ng board meeting sa Hunyo 29 ang Valkyrie para i-discuss lahat ng problemang kinakaharap ng club at kung ano ang dapat i-implement na policy.

“Hindi ako board member kaya wala ako sa meeting, napakaliit lang ng share ko,” say naman ni Vice sa kabilang linya.

At kung hindi magbabago ang plano ay imi-meet ni Vice ngayong hapon ang mga miyembro ng LGBT para malaman kung ano-ano ang mga hinaing o problemang kinasasangkutan nila tulad ng nangyari kay Veejay.

“Gusto kong tumulong bilang boses nila kung ano ang gusto nilang ipaabot kasi alam ko may mga nangyayari na hindi na lang naipararating sa kinauukulan, gusto ko ring sabihin na hindi dapat nag-aaway-away ang mga transgender at mga bakla, iisa lang tayo,” say nito sa amin.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …