Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Utak ni Kris, ‘di raw nagpa-function dahil sa rami ng iniinom na gamot

061815 kris aquino

00 fact sheet reggeeSUNOD-SUNOD ang taping at live episodes ngayon ni Kris Aquino para sa 4th year anniversary ng Kris TV na sa Vietnam nila iseselebra.

“Nakakaloka nga, ginulat ako ng staff, agad-agad lilipad na kami for Vietnam this Saturday (June 20) for our anniversary kaya heto need ko pa magpagaling kasi may allergy ako.

“I have to take antihistamine for my allergy, ang dami-dami kong iniinom kaya my brain is not functioning well na,” pahayag ni Kris nang tawagan niya kami.

Dagdag pa, “nakuha ko itong allergy siguro when we watched the football game, kasi ‘di ba open air ‘yung auditorium, eh, tapos may ginagawa pa roon so, siguro may mga something na nakagat ako.

“Or sa kasal nina Toni (Gonzaga) at Paul (Soriano) kasi naglagay ng wide carpet, eh, may allergy ako sa ganoon.

“Tinanong kasi ako ng doctor ko kung anong ginawa ko at saan ako nagpunta within 48 hours, so sinabi ko nga ‘yun, sabi niya (doctor) na posibleng doon ko nakuha ang allergy ko mula sa leeg hanggang binti pati sa braso ko.

“Doon ko lang nalaman na kapag nagka-allergy ka sa mouth at namaga ang eyes mo, nakuha mo iyon sa kinain mo, pero kung sa parts ng body mo, sa pinuntahan mo or nakagat ka. Kaya either sa game o sa kasal nina Toni at Paul ko nakuha.

“Sana nga mawala na kasi ‘di ba, I’ll be busy na sabay-sabay na, live ng ‘Kris TV’ at ‘AA’ (Aquino and Abunda) tapos shooting pa.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …