Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagiging sweet nina Lloydie at Bea, ipinagselos daw ni Angelica

061715 angelica lloydie bea

00 fact sheet reggeeSOBRANG sweet nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na kasalukuyang nasa Segovia, Spain para sa RNG show ng One More Chance kasabay na rin sa ginagawang libro na pareho rin ang titulo.

Grabe Ateng Maricris, maski na 2007 pa ipinalabas ang One More Chance ay hindi pa rin nalilimutan ng tao sina Popoy at Basha dahil maski saang lugar sila magpunta ay ito ang tawag sa kanilang dalawa.

 

Sa Segovia ay maraming nagtatanong kung may sequel ang One More Chance movie dahil sobrang marami raw sa kanila ang naka-relate sa istorya ng dalawang karakter at hanggang ngayon ay paulit-ulit pa ring ipinalalabas sa Cinema One na hindi naman nagsasawang panoorin ng marami.

At base sa nakita naming seryeng litrato nina John Lloyd at Bea, sobrang saya nila at talagang pagdududahan mo kung hindi mo lang alam na may kanya-kanya silang karelasyon.

Hindi kaya ang mga litratong ito ang dahilan kung bakit nagkatampuhan daw sina Angelica Panganiban at Lloydie na eventually ay naayos na?

Good thing, hindi type nina JLC at Bea ang isa’t isa kaya suwerte mo pa rin Angelica dahil iyong-iyo pa rin si Popoy.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …