Monday , December 23 2024

Mariel, papalitan muna ni Gelli de Belen sa 3rd season ng Happy Wife Happy Life

 

061615 MARIEL gelli

00 fact sheet reggeeLUMIPAD na kagabi ang isa sa Happy Wife Happy Life host na si Mariel Rodriguez-Padilla patungong Spain para sundan ang asawang si Robin Padilla.

Isang buwan at kalahati mawawala ang TV host kaya nag-advance siya ng tapings sa programa nila nina LJ Moreno-Alapag at Danica Sotto-Pingris pero sa pagbubukas naman ng ikatlong season ng Happy Wife Happy Life ay wala sa bansa si Mariel.

”Hindi ako nakasama kay Robin dahil kailangan ko munang mag-taping, kaso wala ako sa pagbubukas ng Season 3, si Gelli (de Belen) muna ang papalit sa akin,” sabi ng maybahay ng aktor.

Isa pang dahilan kaya naantala ang pag-alis ni Mariel ay kailangang nasa opening din siya ng Happy Truck Ng Bayan na nagsimula na noong Linggo at nagtaping din siya kahapon para sa ikalawang episode na ginanap naman sa San Juan City.

At dahil may ikatlong season ang Happy Wife Happy Life, natutuwa si Mariel dahil siyempre, blessings ito sa kanya at ito ang naging therapy niya nang makunan siya.

“Dumating ‘to sa akin during that time na medyo down ako, so dahil dito sa show na ‘to, mabilis akong naka-recover. So, I owe this show a lot talaga.

“Sa totoo lang, that’s how I see it. Kumbaga, ito ‘yung ibinigay sa akin ni God na ‘don’t worry, sige pabisihin muna kita, next time na kita bigyan ng anak’, alam mo ‘yun?”

Bukod sa maganda ang career ni Mariel ay talagang happy wife raw siya sa piling ni Robin, “kasi hindi niya ako ini-stress at masaya kami.

Sa isang buong season na magkakasama sina Mariel, LJ, at Danica ay ano naman ang nadiskubre nila sa isa’t isa.

“Hindi pa kami talaga nakakapag-bonding kasi busy, pero nakapag-Hongkong na kami, so nagkasama na kami, nag-rides kami, nag-bus kami.

“Na-discover ko kung gaano ka-hands on mom si LJ, sobrang asikaso siya, nakipaglaro ako sa mga anak nila, ang ganda ng set-up nila, ang galing kung paano nila pinalalaki ang mga anak nila.

“Tapos si Danica, na-discover kong motherly material, mayroon siya niyon. Like example nakita niyang gusot ‘yung damit mo, aayusin niya ‘yun o ‘yung buhok mo, ganoon siya. Siya mismo ang lalapit, ganoon siya. Playmates ko nga ‘yung mga anak nina Danica at LJ. Sabi ko, babalikan ko ito (Hongkong) ‘pag mayroon na kaming anak,” sabi ni Mariel.

 

PAG-AASAWA NI QUEENIE, IPINAALAM SA MGA MAGULANG

061615 Queenie Padilla

Ibinalik namin ang usapan sa pag-alis niya na bonding time raw nilang mag-asawa kasama ang mga anak ng aktor na sina Queenie at Shen-Shen.

Speaking of Queenie, nag-asawa na siya kaya tinanong namin si Mariel kung ano ang sabi ni Robin sa pag-aasawa ng kanyang panganay at ang alam namin ay daddy’s girl pa.

“’Di ba Reggs, sinabi ko naman sa ‘yo kapag tungkol sa mga anak ni Robin, ayokong makialam, ayokong mag-comment, pero ito lang ang masasabi ko, si Queenie, mabait ‘yan na bata, mabait siya na anak kasi roon kasi sa pagiging Muslim niya, kailangan mabuti kang anak.

“So ‘yun ang nasa isip niya na kapag may isang bagay siyang gagawin, kailangan ma-please niya ‘yung magulang niya, si Robin ang nagbigay ng blessing (pag-aasawa) o si Liezl nagbigay ng blessing sa kanya.

“Nagulat lang siguro ang lahat kasi hindi naman si Queenie ‘yung tipong showbiz na isini-share ang lahat, actually matagal na niyang na-post ‘yun sa Instagram account niya, siguro mga December last year (2014), ngayon lang talaga pumutok.

“Nag-aaral naman talaga si Queenie, at saka mabait din naman ‘yung asawa niya, Muslim din na natuturuan siya tungkol sa Islam, maganda naman,” paliwanag mabuti sa amin ng misis ni Binoe.

 

 

BUBUO NG BABY SA SPAIN

060115 Mariel Rodriguez Robin Padilla

Anyway, ang una raw gagawin ni Mariel pagdating ng Spain ay, “kakain ako ng Spanish food at mamamasyal siyempre. Hindi ko naman first time pumunta ng Spain, pero hindi pa ako nakarating ng Madrid, yes haven’t been there, so pupunta ako roon, sa Zaragoza, sa Dion, sa Toledo, ‘yan.

“Tapos may lugar doon na Padilla de Abajo, Padilla de Jita, lahat ng may Padilla. Kasi iyon ang hinahanap ni Robin, tungkol sa Padilla.

“So, bonding moments namin iyon with the kids, Queenie and youngest daughter si Sherilyn. Wala sina Kylie kasi busy sa work, may show at si Ali naman ay nag-aaral.”

Nakaplano rin ba ang pagbuo muli nina Mariel at Robin ng baby.

“Ayoko namang sabihin kasi baka ma-sad ako ‘pag hindi, pero kung ibibigay Niya, eh, ‘di thank you. ‘Pag hindi, eh, ‘di hindi ka nag-e-expect,” kaswal na sabi ng TV host.

At ang isa rin sa dahilan ng pagpunta nila sa Spain ay, “actually, itong trip na ito (Spain) kaya ito plinano ni Robin is because of what happened (nakunan si Mariel), para sabi niya, malibang daw ako. Kaya niya ginawa ito.

“Ending, siya ang naunang umalis, maglamyerda, ako heto nagta-trabaho, ha, ha, ha.”

 

 

HORROR MOVIE NOT PORN MOVIE ANG GAGAWIN NI ROBIN WITH MARIA

061515 maria ozawa robin mariel

Ano naman ang say ni Mariel na gagawa pala si Robin ng pelikula kasama ang porn star na si Maria Ozawa?

“Alam mo, hindi ko alam, sa Facebook at Instagram ko lang nalaman, si Maria Ozawa raw, porn star, nakakaloka. Hindi naman kasi namin pinag-uusapan (Robin) ang mga ganoon.

“Alam ko lang may movie siya, pero hindi naman namin napag-usapan ‘yung mga casting, hindi ko naman alam, kahit ngayon hindi namin napag-uusapan o hindi ako nagtatanong,” katwiran ng misis ni Binoe.

“At saka hindi naman gagawa si Robin ng porn, respected actor naman siya, ‘di ba?” tila batang sagot sa amin ni Mariel.

Nabanggit pa na hindi love story ang pelikula kundi, “alam ko horror film ‘yun, sa rami nga ng script na dumarating sa bahay, minsan pinababasa niya sa akin, so binabasa ko naman, tapos magugulat ako, ‘shit, horror ba ‘to?’ sabi niya (Robin) ‘oo’ naku, hindi ko na binabasa.

“Takot ako sa horror, hindi ako nanonood talaga, ito na lang huli kasi sila Robin (nanonood), mahilig silang takutin ang mga sarili nila, ako hindi, napapanaginipan ko kasi, naiisip ko ‘yun. Pero ayoko talaga, nakaganito ako (nakatakip ang mukha).”

Baka raw akitin si Robin ni Maria Ozawa?

“Sabi ko nga, pangit naman kung ganoon ang outlook ko roon sa movie nila, parang right away, ginawa na nating nega, hindi na natin binigyan ng chance ‘yung movie nila (Robin at Maria), dapat hindi ganoon.

“At saka ang pinanghahawakan ko is may pag-uusap kami ni Robin (bago ikasal), ‘yun ang pinanghahawakan ko at wala naman siyang ginawa para i-violate ‘yun, so bakit ko siya pagdududahan, bakit ko siya bibigyan ng stress, imbes na suportahan ko siya sa movie niya. Ang sama ko namang tao,” say sa amin.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *