ni Roldan Castro
GALIT ang unang reaction ng talent manager ni Empress na si Tita Becky Aguila.Hindi siya makapaniwala. Parang isang panaginip lang dahil ang itinuring niyang baby ay magkakaroon na ng baby.
Bahagi ng kanyang sulat, ”Ayoko mawalan ka ng pagkakataon na maituloy ang pangarap mo. Natatakot din ako sa magiging reaction ng mga tao. We can never please everyone, and sometimes people judge a person without even knowing them. Kaya sa mga nanonood at nagbabasa ng sulat na ito, sana po, wag ninyo husgahan ang anak-anakan ko, suportahan at unawain natin siya dahil mas kailangan niya ‘yan ngayon.
“You are my 3rd artist who got pregnant at a young age, and knowing all of you, the common denominator is kung paano kayo magmahal, buong-buo. Ang laki ng mga puso ninyo, full of love. Pero sana ‘wag niyong kalimutan mag-iwan para sa sarili ninyo.”
Ang tinutukoy ni Tita Becky na maagang nabuntis din ay sina Jennylyn Mercado at Valerie Concepcion.