Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mon Confiado, wish na magkaroon pa ng international movie

032715 Mon Confiado

00 Alam mo na NonieISA si Mon Confiado sa pinaka-abalang aktor sa bansa. Lagi na’y kaliwa’t kanan ang pelikulang ginagawa niya. Sa katatapos na 1st Sinag Maynila Film Festival, isa siya sa bida sa pelikulang Swap.

“Ako yung police agent sa movie na nagso-solve ng kaso ng kidnapping,” saad sa amin ni Mon nang makahuntahan namin siya sa Facebook last week.

Kasali rin siya sa pelikulang Heneral Luna na tinatampukan ni John Arcilla. Gaganap dito si Mon bilang si Emilio Aguinaldo. Mapapanood din si Mon sa pelikulang Mandirigma ni Direk Arlyn dela Cruz na tinatampukan ni Luis Alandy.

Incidentally, dahil birthday ni Mon nang maka-chat namin siya, tinanong din namin kung ano ang kanyang birthday wish.

“Ang birthday wish ko ay good health… At sana more International films. Kasi ay part ako ng movie na Showdown in Manila. Ang role ko rito, ako yung gangster na makakalaban ng bida sa movie na ito,” esplika pa niya hinggil sa pelikulang pinagbibidahan ng Hollywood star na si Mark Dacascos.

Kasali rin sa pelikulang ito sina Tia Carrrere, Casper Van Dien, Don “The Dragon” Wilson, Olivier Gruner, Cynthia Rothrock, Matthias Hues, Cary Hiroyuki-Tagawa, at Iza Calzado.

Isa si Mon sa pinaka-versatile na actor sa industriya. Higit 300 na ang nagawa niyang pelikula at para sa kanya, mallit man o malaki ang role na natotoka sa kanya, lagi niyang ibinibigay ang 100 percent ng kakayahan niya sa pag-arte.

Happy birthday ulit Mon!

 

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …