ni Ronnie Carrasco III
KUNG kami ang pamunuan ng TV5, we would take offense at Sharon Cuneta’s recent pronouncements makaraang magbalik na siya sa ABS-CBN.
Sa presscon kasi ng programang kinabibilangangan niya sa Dos, tahasan niyang sinabi na pinagsisisihan niya ang pag-alis doon. Sharon cited na naniwala siya sa mga taong nagparating ng maling tsismis sa kanya, and as a result, nangibabaw ang kanyang emosyon.
Dagdag pa ni Sharon, she felt she didn’t belong somewhere else kundi sa ABS-CBN, ang kanyang tahanan.
Tatlong taon na ang nakararaan when Sharon’s TV career was salvaged by TV5 dahil nawalan siya ng regular show sa Dos. Usap-usapan nga noon that there was an “unseen hand” kung bakit less favoured siya roon kompara sa isang equally popular TV personality.
How much was Sharon offered by TV5, milyones, ‘di ba? She was probably the highest paid transferee from another channel with a contract price that the network paid without hesitation.
Pero para palabasin naman ni Sharon na hindi siya natulungan ng estasyon sa panahong she had nowhere to go ay isang bagay she has to seriously reflect on. Yaman din lang na ni-reassess niya ang kanyang mga pagkakamali, acknowledging one’s mistakes ay pasasalamat din sa mga biyayang dumarating sa kanyang buhay—and in Sharon’s case, the offer from TV5.
With her return to ABS-CBN, hindi naman masasabing isang major show ang kanyang comeback vehicle, is it? Is it all her own, hindi naman, ‘di ba?
We were thinking of a much bigger show in resurrecting Sharon Cuneta, hindi isang palabas that she cannot take solo credit for.