ni Ronnie Carrasco III
HINDI pa man umeere ay napapanood na ang teaser ng comeback soap ni Dingdong Dantes sa GMA, this after isa na siyang ganap na married man.
Similarly, hindi pa yata nakapagisimula ang taping ay kalat na rin sa social media ang ipinagbabanduhang return to TV ng maybahay ng aktor as proudly hyped by its resident network scriptwriter.
Marami tuloy ang nagtatanong sa obviously ay napaka-”safe” na respective roles na ginagampanan ng mag-asawa given their present status.
Isang groovy priest ang papel ni Dingdong; isang tomboy naman ang karakter ng misis nito.
Safe in the sense na sa kanila nga namang role, there will be no romantic interest sa opposite sex. Si Dingdong bilang jologs na pari ay imposibleng may maugnay na babae sa kuwento (unless he’s an Aglipayan priest na pinahihintulutang mag-asawa); at ang tomboy role ng misis nito, alangan namang may leading man that will spark romance between them?
Duda ng marami, ang ideang ito is the handiwork of Dingdong’s wife—na kahit noong nobyo pa niya ang aktor ay nababalutan ng insecurity sa mga nagiging leading lady nito.
Maganda naman, pero insecure pa?!
So, versatility ends where marriage begins?