Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagbabagong-buhay ni Lance Raymundo tampok sa GRR TNT

032115 GRR Lance Raymundo

HABANG may buhay, may pag-asa. Ito ang nasa isip ni Lance Raymundo na tulad ng kanyang Kuya Rannie ay isa ring sikat na singer at stage actor.

Naaksidente si Lance sa isang fitness studio. Nabagsakan siya ng barbel sa mukha habang nag-eehersisyo. Halos nawasak ang pogi niyang mukha. Dahil sa magagaling na siruhanong gumawa ng plastic surgery sa binata’y unti-unting naibalik ang kanyang kaguwapuhan.

Sa isang natatanging interbyu sa GMA News TV lifestyle program na Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ay isasalaysay ni Lance ang pinagdaanang lalo lamang nagpalapit sa kanilang pamilya sa Diyos.

Matutunghayan din sa GRR TNT ang pagluluto ng masasarap pero nakapagpapababa ng timbang na mga putahe. Ang makakasama ng ating host-producer sa Kusina Ni Mader ay ang magkapatid na Gen at Trish ng Taleo’s Restaurant.

Maraming mga Kapuso talento na regular sa programang Sunday All Stars ang magbabahagi ng kani-kanilang sikreto sa tagumpay. Ilan sa kanila ang may bagong serye tulad nina Joyce Bernal, Kristoffer Martin, Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, Ash Ortega, at Jazz Ocampo. Magsasalita rin si Aljur Abrenica kung paano siya bumalik sa mother studio na sana’y tuluyan na niyang iiwan.

Abangan din ang pagbibigay ni Mader RR ng tips kung paano kayo makakapag-ipon ng pera ngayong bakasyon sa pamamagitan ng mga negosyong maaaring gawin sa bahay sa maliit lang na puhunan sa Mader Knows Best.

Lahat ng mga ito sa GRR TNT na napapanood tuwing Sabado, 9:00-10:00 a.m., handog ito ng ScriptoVision.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …