ni Roldan Castro
AYAW pang magbigay ng detalye ni Toni Gonzaga sa nalalapit niyang kasal dahil mahahati ang atensiyon sa pelikulang ipino-promote niya. Hindi naman daw hiningi ni Toni na agahan ang playdate ng You’re My Boss kundi kusang ibinigay ng Star Cinemapara makapag-prepare siya sa nalalapit niyang kasal.
Ayaw ding i-confirm ni Toni na June 12 na ang kasal nila ni Direk Paul Soriano dahil baka raw maurong pa. Magsisimula na raw kasi ang PBB para sa 10th anniversary nito.
Pak!