SINABI ni Edu Manzano na hindi siya kontra sakaling papasok man sa politika ang anak niyang si Luis Manzano.
“You know, I’m very, very happy for him, sabi ko nga, ang ganda ng career niya. Hindi naman ako against sa pagpasok niya sa politics, wala namang ganoon and never naman akong naging against. Kung gusto niya, it’s up to him.
“My son is capable of doing anything he wants in his life. Kaya lang, parang sa kasal din, there’s always sacrifices, you know.
“Noong pumasok ako sa gobyerno noon, itinigil ko ang pelikula, itinigil ko iyong teleseye. Matagal din iyon na hindi ako gumagawa ng pelikula at teleserye kahit maraming offers. Pero iyon ang pinili ko, eh, ang maging public servant.
“Kaya ngayong wala na ako sa gobyerno, I’m free to do other things. So siya, alam ko namang alam din niya ang kanyang gagawin kung talagang magdesisyon siyang pasukin ang politika. Matalino naman iyon. Hindi siya papasok sa isang sitwasyon na hindi siya handa,” saad pa ni Edu pantungkol sa kanyang anak.
Balik-Kapamilya Network si Edu sa pamamagitan ng teleseyeng Bridges of Love na pinagbibidahan nina Maja Salvador, Jericho Rosales, Carmina Villarroel at Paulo Avelino. Proud siyang mapabilang sa seryeng ito dahil pawang mga bigatin daw ang co-stars niya rito.
“Napakasaya ko na napasama sa cast ng Bridges of Love. Tingnan ninyo naman ang line-up ng mga kasama kong artista, lahat sila ang gagaling at nakaka-challenge. They will surely bring out the best in me sa aming mga eksena.”
ni Nonie V. Nicasio