ni Ambet Nabus
NOONG Linggo naman ng gabi sa grand coronation night ng Binibining Pilipinas ay todo ang pamimintas na dumating kay Toni Gonzaga, who acted daw more of a jester than being a host of a prestigious beauty contest.
Sabi nga namin mare, kung ang tinutukoy ng mga basher at nagagalit sa emote ni Toni ay ‘yung may kinalaman sa kung paano siya magbigay ng side comments o remarks during the Q&A portion, a-agree kami ng 100% na medyo nakaka-turn off nga ‘yung style ni Toni. Hindi niya talaga dapat na ginawa ‘yung tipong nang-ookray pa siya ng mga sagot nga mga kandidata para makapagpatawa.
Pero kung ‘yun namang kakaibang pagtawid niya ng boringga factor ng show to really entertaining one during the live show sa Araneta Coliseum (na hindi naman na-capture ng TV), ay sasaluduhan namin ang husay ni Toni.
Nagkataon lang siguro na hindi na na-decipher ng pagiging mahusay nitong host ang difference ng seryosong Q&A portion sa ‘jesting portion’ na ginawa niya during breaks with live audience na magkakaiba ang peg sa panonood.