MASAYA ngayon si Deniece Cornejo at unti-unti nang nagiging positibo ang lahat.
Sa tulong ng malapit sa kanyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio ay nagkaroon uli ng kompi-yansa sa sarili si Deniece.
Although strong woman naman siya, dahil tao lang ay labis na nasaktan noon si Deniece sa mga ipinaratang sa kanya ng ibang tao. Pero ang totoo ay misunderstood lang ang celebrity model endorser. Ever since ay inosente naman talaga siya at nabubura na ‘yung pangit na image sa kanya dahil sa isyu with Vhong Navarro.
Ilan sa mga patunay na nakawala na si Deniece sa mga kanegahan na ‘yan? Una, inilabas na ng Smart Communications ang kanyang print AD na ginawa niya a year ago pa. Makikita na sa mga bus sa EDSA at iba pang lugar sa Mega Manila ang nasabing endorsement ni Ms. Cornejo. Samantala isa sa natutuwa sa magandang nangyayari ngayon sa buhay ni Deniece ang BFF at labs naming si Atty. Topacio na all-out ang support ngayon sa ka-close na magandang celebrity.
Sa katunayan siya ang naging escort ni Deniece sa katatapos lang na 31St Star Awards for Movies ng PMPC na ginanap sa The Theater ng Solaire Resort & Casino. Walang halong exaggeration talagang marami ang nagpapakuha ng litrato kay Deniece at kahit ‘yung mga busy na naglalaro sa casino ay napapalingon sa pagdaan ng dalaga na sobrang glamorosa noong gabing ‘yon sa suot niyang Cinderalla gown na creation ng International fashion designer na si Davey Curlee. Ang make-up niya na gawa ni Juliana Isidro ng Faces and Curves na ine-endorso rin ng young celeb na naka-chikahan namin after awards night kasama siyempre ang knight in shining armour ng buhay niya na si Atty. Topacio. Doon natin nalaman namin na simple lang pala ang pamumuhay ni Deniece.
Apat raw silang magkakapatid at siya ang unica hija sa pamilya. Mag-isa lang raw siyang nakatira sa kanyang condo unit sa Pasay at bukod sa kanyang small business sa internet na pagde-design ng iba’t ibang apparel ay nakatutok rin daw siya sa kanyang pag-aaral sa Kolehiyo sa La Salle University sa Taft Avenue.
Kaya sa mga nag-aakusa kay Deniece na may secret affair siya sa rich businessman na si Cedric Lee, never nagkaroon ng bahid ng katotohan ‘yun. Sariling sikap ang ikinabubuhay ni Cornejo.
Samantala, mamayang gabi, March 16 ay bale pang third week na ng special show ni Atty. Topacio sa ARUBA BAR and RESTO diyan sa Metrowalk Pasig. Buong buwan ng Marso at tuwing Lunes ang kanyang gig. Bukod sa special guest ni attorney mamaya na si Aljur Abrenica ay nangako rin si Deniece na manonood siya uli ng show ng hulog ng langit sa kanyang lawyer.
Very supportive talaga ang dalawa sa isa’t isa gyud!
KAKIKAYAN NI ALEX GONZAGA MAPANONOOD NA NGAYONG GABI SA FANTASY DRAMA NA “INDAY BOTE”
Isa sa bagong show na ipalalabas tonight, March 16 sa Primetime Bida sa Kapamilya network ay “Inday Bote” ni Alex Gonzaga na tiyak na hindi rin bibitawan ng mga manononood lalo na sa mahihilig sa fantasy at drama dahil inaabangan ang mga kakikayan ng nasabing kapamilya aktres.
Makakatambal ni Alex sa “Inday Bote” sina Matteo Guidicelli at Kean Cipriano. “Swak na swak para sa buong pamilya ngayong summer ang kuwento ng ‘Inday Bote.’ Dito po kasi sa teleserye mas makikilala ng mga manonood si Inday bilang tao, anak, kapatid, at bilang isang babaeng umiibig. Siguradong mara-ming matututunan ang mga kabataan sa kuwento ni Inday dahil para sa kanya, walang mahirap sa taong may pa-ngarap,” pahayag ni Alex kaugnay ng TV adaptation ng ABS-CBN ng sikat na komiks na isinulat ng beteranong komiks novelist na si Pablo Gomez. Gagampanan ni Alex sa “Inday Bote” ang karakter ni Inday, isang masayahing babae na puno ng pangarap para sa kanyang sarili at pamilya. Unti-unting magbabago ang buhay ni Inday nang pagkalooban siya ng isang mahiwagang bote na naglalaman ng mga duwendeng mayroong kapangyarihan. Kokompleto sa powerhouse cast ng “Inday Bote” sina Aiko Melendez, Alicia Alonzo, Smokey Manaloto, Nikki Valdez, Malou Crisologo, Jeffrey Santos, Nanding Josef, Alora Sasam, Biboy Ramirez, Izzy Canillo at ipinakikilala si Alonzo Muhlach. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Malu Sevilla at Jon Villarin. Ang “Inday Bote” ay bahagi ng ‘magical summer campaign’ ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng “Walang Hanggan,” “Ina Kapatid Anak,” “Juan dela Cruz,” “Ikaw Lamang,” at ang nagtapos na noong Biyernes na teleseryeng “Bagito.” Huwag palampasin ang pagsisimula ng kuwento ng pangarap at hiwaga sa “Inday Bote,” ngayong Lunes na sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Televisi- on sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH
ni Peter Ledesma