Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maja, kaabang-abang ang gagawing paggiling sa Bridges of Love

ni ROLDAN CASTRO

031215 Maja Salvador

PALABAN, daring, at maraming kalalakihan ang maaakit kay Maja Salvador sa bagong serye niya sa ABS-CBN 2 na Bridges of Love bilang star dancer sa isang night club.

Ngayon pa lang ay inaabangan na ang kanyang paggiling, pagkadyot na aminado ang leading men niyang sina Jericho Rosales at Paulo Avelino na napupukaw ang kanilang atensiyon sa seksing eksena ni Maja pero nandoon ‘yung pagbibigay nila ng proteksiyon sa aktres.

Of course, nandoon ang ilang factor kay Maja habang isinusuot ang nasabing costume.

“Mahirap din pong sumayaw tapos ‘yung mga lalaking nandoon, hindi ko rin kilala. Talent sila. Siyempre hindi ko pa rin sila kilala kahit sumobrang giling-giling ka. Parang hindi pa rin ganoon kaganda ‘yung pakiramdam kaya ‘yun nga sobrang nagpapasalamat ako sa staff. Tutok sila sa akin. Alagang-alaga nila ako. Mga talent at cameramen and the rest, ‘pag hindi sila kailangan sa set, papaalisin sila,” deklara pa ni Maja.

Balak sana ni Maja na manood sa isang girlie bar pero tinuruan na lang daw siya ng kanyang make-up artist na dating nagwo-work sa night club.

“Baka kasi may makakilala sa akin! Eh, ‘yung make-up artist ko ngayon sa set, galing sa isang ganoong bar. Kaya alam din niya kung ano ang make-up na dapat kong ilagay. Nagtanong na lang ako kung ano ang buhay ng star dancer pagkatapos. Baka, one of these days makapunta rin ako. Magtatago na nga lang ako! Ha! Ha! Ha,” bulalas niya sa presscon ng Bridges Of Love na magsisimula ngayong Marso.

Sinabi pa ni Maja na mayroong choreographer na nagtuturo sa kanya at nag-i-emote na lang siya kung paano mang-akit ng boys sa kanyang mapanuksong sayaw.

Ang Bridges of Love ay idinidirehe nina Dado Lumibao, Will Fredo, at Richard Somes. Ito ay likha ng Star Creatives production.

Itatampok din sa upcoming powerhouse drama offering ng ABS-CBN sina Edu Mazano, Carmina Villarroel, Antoinette Taus, Max Eigenmann, Maureen Mauricio, Lito Pimentel, John Manalo, Janus del Prado, William Lorenzo, Joross Gamboa, at Malou de Guzman.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …