ni Alex Brosas
KALOKA itong si Lea Salonga. Parang napikon ito sa headline ng isang tabloid at parang gusto pa nitong idemanda ang isang kapatid sa panulat.
“Can we sue this guy for libel? It’ll probably be a waste of time but still. I don’t like untruths,” tweet niya after posting the tabloid headline.
Naka-headline kasi na pinatutsadahan ni Aling Lea ang walang “talent” na manok ni Apl de Ap.
Walang alam si Aling Lea about tabloid writing. Hindi siya aware how headlines are done, na hindi ang writer or columnist ang nagsusulat ng title kundi ang editor o kaya ay publisher.
Ang mabuti niyang gawin ay basahin muna niya ang article bago siya mag-react. Baka kasi hindi naman sinabi ng writer na sinabi niyang walang talent ang manok ni Apl de Aps sa The Voice Philippines .
Most of the time kasi, exaggeration ang headlines para makapukaw ng readers.
To Lea, mag-isip kang mabuti. One thing more, if you’re suing for libel ay make sure na matindi ang malice ng writer habang isinusulat niya iyon, otherwise ay baka hindi mo ma-establish ang malice at baka matalo ka sa kaso.